NETIZENS IPINAGTANGGOL SI VP SARA DUTERTE Maraming netizens ang umalma sa bali
NETIZENS IPINAGTANGGOL SI VP SARA DUTERTE
Maraming netizens ang umalma sa balitang walang respeto diumano ang ating VP Sara Duterte, ayon sa kanila mas walang respeto ang umuusig kay VP Sara dahil sila diumano ang nagsimula ng kawalan respeto sa ating bise presidente.
“Respeto? Kayo nga pasimuno Dyan. Rules nyo Bina violate nyo. Wala nman sa topic Ang pinag uusapan nyo yong budget sa 2025 bakit pati budget Ng 2024 babalikan ninyo eh tapos na yon. Kung may ebidensya na Meron nawala andyan Ang ombudsman at sandigan bayan. Anong legislation Ang ginawa ninyo? Dba puro panghihiya sa mga resource person ninyo? May existing Ng batas na pwede magparusa kung may ginawang kamalian. Ang notice of disallowance gasgas na gasgas na Yan sa COA. nagpapagamit lng. Kagaya nyo na liquidate nyo ba Ng maayos Ang budget ninyo? Dba certification lng? Kung mag imbestiga kayo pumasok sana kayo sa nbi o cidg. Kung manghuhusga nman dapat nag apply kayo Ng judge o justice. Inaagawan nyo Ng trabaho Ang mga ahensya na pinapasweldo Ng taong bayan. At kayo nman mahilig makisawsaw. Alin na ba sa naimbestigahan ninyo Ang nahatulan na?” Komento ng isang netizen.
“Kung magtatanong sila kay VP Sarah ay parang hindi rin mga korakot sa ating goberno. Bakit hindi nyo rin isapubliko yong mga nagawa ninyong proyekto para malaman din ng mga Filipino. Malay ba ng mamayang Filipino na lomolobo na pala ang inyong mga negosyo gamit ang pera ng bayan.” Ayon naman sa isa.
“Hindi nman kayo karesperespeto dinyo nga ginalang at nerespeto SI vp Sarah tapos Yan sasabihin nyo.kayo mnga congressman Ang wla respect puro pulitika Nasa isip nyo palibhasa di nyo kaalyado SI vp.” Sabi naman ng isang netizen.
Matatandaang naging mainit ang diskusyon sa panukalang budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa taong 2025 nang tanungin ng ilang mambabatas sa Kamara si VP Sara Duterte patungkol sa kontrobersiyal na P125 milyong confidential funds noong 2022 ng kaniyang opisina.
#indaysara #SaraDuterte #OVP
Photos: House of Representatives of the Philippines