Mga Barangay na apektado ng African Swine Fever sa Angadanan, Isabela nadagdagan pa

CAUAYAN CITY- Nadagdagan pa ang mga Lugar na apektado ng African Swine Fever o ASF dito sa Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Veterenarian Dr. Belina Barboza, sinabi niya na umakyat pa sa sampu ang mga Barangay na apektado na ng ASF sa Bayan ng Angadanan, Isabela.

Ilan ngayon sa hinihinlang dahilan kung bakit patuloy  na dumadami ang mga naapektuhan ng ASF sa Angadanan ay dahil sa posibleng hindi na pansin na nakapagpasok sila ng nakatay na baboy na infected ng naturang sakit at nadala sa ibang Barangay.

Lumalakas  ang hinala dahil wala nang ibang point of entry at exit sa Bayan ng Angadanan lalo at may mga nakalatag na ring ASF check points sa lugar.

Sa ngayon ay nasa 11 heads ang culled sa Barangay Lourdez,9 sa Victory , 8 sa Ingud Sur, 6 sa Minaga Proper at 7 sa Fugaru.

Ipinagpasalamat naman nila na walang naging pagtutol mula sa mga hog raisers ang ginawang culling dahil maayos na nilang naipaliwanag ang kaugnay sa naturang sakit sa baboy.