Sa isang post sa Facebook ngayong Martes, Agosto 27, sinabi ni dating Senador An
Sa isang post sa Facebook ngayong Martes, Agosto 27, sinabi ni dating Senador Antonio Trillanes IV na oras na para patalsikin sa puwesto si Vice President Sara Duterte.
Kasunod ito ng hindi pagsagot ng pangalawang pangulo sa mga katanungan ukol sa kontrobersiya sa P125 milyong confidential fund ng OVP sa ginanap na pagdinig ng proposed 2025 budget ng Office of the Vice President sa budget hearing sa Kongreso ngayong araw.
Naging ugong-ugong na noong nakaraang linggo ang umano’y efforts mula sa House of Representatives na maghain ng impeachment case kontra kay Duterte, na siya namang pinabulaanan ng ilang mga mambabatas.
Kilalang kritiko ng pamilya Duterte si Trillanes, na kamakailan ay naghain ng kasong graft at plunder kontra sa ama nito na si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa infrastructure projects noon sa siyudad ng Davao.
#PilipinasToday
#VPSaraDuterte
#AntonioTrillanes