Electronic Local Government Unit (eLGU) system inilunsad na ng DICT

CAUAYAN CITY- Inilulunsad ng Department of Information and Communication Technology (DICT) sa Lungsod ng Cauayan ang Electronic Local Government Unit o eLGU system.

Layunin nitong maging digitalized ang lungsod at mapadali ang pagkuha ng serbisyong pang gobyerno .

Ayon kay Usec. David Almirol Jr., target nitong mabigyan ang Local Government Unit maging ang 65 barangays sa Cauayan City ng mas accessible na system gaya ng hightech TV, wifi at ibang teknolohiya.

Sa halip aniya na magtungo sa mga opisina ng iba’t-ibang ahensya para sa mga transaksyon ay maaari na itong gawin sa tulong ng paperless transaction sa pamamagitan ng  isang click lamang sa cellphone at ibang gadgets.

Maaari na umanong kumuha ng permit gamit lamang ang eLGU system dahil accessible umano ng eLGU ang BPLS, Barangay Business Clearance, Building Permit, Working Permit, Community Tax Certificate, Local Civil Registry, Occupational Permit, LGU News, at kasalukuyan namang inaayos ang system para sa Real Property Tax.

Ayon kay USec. Almirol, base sa naging pagbisita sa Region 2, hindi aniya problema ang wifi connectivity sa lungsod ng Cauayan kaya walang nakikitang posibleng problema sa inilulunsad na eLGU system.