Notoryus na tulak, naaresto sa City of Ilagan

CAUAYAN CITY – Nadakip ng pulisya ang notoryus na tulak ng illegal na droga sa Brgy. Alingigan 3rd, Lungsod ng Ilagan.

Ang pinaghihinalaan ay si alyas “Rodolfo” na tinaguriang High Value Target-Provincial level.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, inaresto ng puwersa ng Drugs Enforcement Unit ng Ilagan Component City Police Station katuwang ang PDEA Isabela ang pinaghihinalaan matapos bentahan ng hinihinalang shabu ang nagpanggap na buyer.

Nasamsam sa pag-iingat ng pinaghihinalaan ang limang gramo ng hinihinalang shabu, isang genuine 1000-peso bill, labing-limang 1000-peso bill boodle money, cellphone, at motor.

Bago ang operasyon ay matagal na umanong minanmanan ang suspek sa nabanggit na Lungsod.

Nasa kustodiya na ng Ilagan City Police Statation ang pinaghihinalaan maging ang mga nasamsam na ebidensiya para sa pagsasampa ng reklamong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.