ANGELICA YULO PINASARINGAN SI CARLOS? Maraming netizens ang naniniwala na pasar

ANGELICA YULO PINASARINGAN SI CARLOS?

Maraming netizens ang naniniwala na pasaring diumano ang latest post ni Angelica Yulo sa kanyang anak na si Carlos Yulo.

“Salamat po sa araw na ito, sa mga tumulong magluto at mag-asikaso ngayon, sa mga anak ko na nagbahagi ng kahit papaanong parte ng incentives nila”, ayon sa voice over ni Angelica sa kanyang video clips, kung saan namahagi sila ng pagkain sa kanilang mga kapitbahay.

“Kay Iza na binawasan ang nakuha niya sa Palarong Pambansa.” saad pa niya.

“Salamat din kay Eldrew at sa panganay ko na si Joriel sa ipinaabot niyang tulong para kahit papaano, makatulong tayo sa simpleng paraan.” pagpapatuloy pa ni Angelica.

“Lagi tayong tumulong sa kapwa kapag may sobra tayo, maliit man o malaki. Ang mahalaga ay magbigay tayo ng bukal sa puso.” Sabi pa niya.

“Pagpasensiyahan ninyo na sana ang nakayanan namin ng mga anak ko.” Pagtatapos niya.

“Paano magkakaayos pamilya nila eh my saltik ang nanay, laging dinadala sa social media ang problema sa pamilya.” Komento ng isang netizen.

“Narcissist talaga nanay ni Carlos. Kaya pag ganitong uri ng nanay talaga wag kayo magtataka malayo ang loob ng anak niyo sa inyo.” Ayon naman sa isang netizen.

“graveh nmang nnay n yan..msaya b sya kng lging nbbash anak nia sa mga pasaring nia n gnyan..dpt nga msaktan ka kng nbbash anak mo, kso ikw nnay ang gmagawa ng dhilan pra ibash anak mo.” Sabi naman ng isang netizen.

#angelicayulo #CarlosYulo #chloesanjose

Photos: Angelica Yulo, Chloe San Jose