AHRON VILLENA BIKTIMA DIN NG PANGHAHARASS?? May pinapatamaan ang aktor na si A

AHRON VILLENA BIKTIMA DIN NG PANGHAHARASS?? 😢

May pinapatamaan ang aktor na si Ahron Villena sa kaniyang cryptic post sa IG?

“Nagsalita pala etong direktor na ‘eto na matagal na daw nangyayari yung mga ganung scenario? Eh kung sabihin ko kaya na isa ako dun sa artistang na-exploit at ikaw yun!”, ayon kay Ahron.

“Tandang-tanda ko yung kelangan ko mag-plaster sa eksena. Cameo role lang ako at may tumutulong na sa akin sa production pero pumasok ka sa CR at pinaalis mo siya.” dagdag pa niya.

“Ang sabi mo pa, ‘Dapat hindi ka nagpapalagay sa kanila, ako na dapat maglalagay niyan.'” sabi pa niya.

“Wala namang problema sa akin pero ilang beses mo tinatamaan at dinidikit yung kamay mo.” pagpapatuloy ng aktor.

#AhronVillena

Photos: Ahron Villena