“Kaya kung maganda ang takbo ng BBM (Bongbong Marcos) administration, ‘yan ay da
“Kaya kung maganda ang takbo ng BBM (Bongbong Marcos) administration, ‘yan ay dahil din sa taong ipakikilala ko sa inyo,” sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto bago tinawag ang pangalan ni House Speaker Martin Romualdez sa harap ng mga Batangueno na nagtipun-tipon sa Lipa City nitong Sabado, Agosto 24, para tumanggap ng P563 milyon halaga ng government services at tulong pinansiyal sa ilalim ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF).
Ipinakilala ni Recto ang House leader bilang “partner” at “secret weapon” ni President Ferdinand Marcos Jr. sa pagsisilbi sa mga Pilipino.
Sinabi pa ni Recto na si Romualdez ang dahilan kaya may BPSF, na sa nakalipas na isang taon ay nagawa nang makapaglibot sa 22 lugar sa Pilipinas para makapaghatid ng iba’t ibang serbisyo ng gobyerno at ng suportang pinansiyal.
Sa direktiba ng Presidente, naglunsad din si Romualdez ng iba pang mga aid packages para sa mas maraming benepisyaryo, kabilang ang brainchild din niyang Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) Program, Integrated Scholarships and Incentives for the Youth (ISIP) Program, at Start-Up, Investments, Business Opportunities, and Livelihood (SIBOL) Program.
“Ang pagtitipon pong ito ay hindi rally, kundi serbisyo. Hindi pamumulitika, kundi paglilingkod. Ang hatid ay hindi ang paghahati-hati sa mga paksyon-paksyon o buklod-buklod, kundi ang pagsasama sa layuning makatulong. Hindi hidwaan, kundi ginhawa,” sabi pa ni Recto.
#PilipinasToday
#MartinRomualdez
#Duterte