Suportado ng dalawang miyembro ng Young Guns ng Kamara de Representantes ang sin

Suportado ng dalawang miyembro ng Young Guns ng Kamara de Representantes ang sinabi ni former senator Leila de Lima na sa halip na depensahan ay dapat pa na tumulong si dating pangulong Rodrigo Duterte—bilang dating presidente ng bansa at bilang abogado—sa pagdakip sa wanted nitong kaibigan na si Apollo Quiboloy.

Giit nina Deputy Majority Leader Jude Acidre at Assistant Majority Leader Jil Bongalon, dapat na kumbinsehin ni Duterte si Quiboloy na sumuko na lang sa batas at harapin ang mga seryosong kaso na kinakaharap nito dahil may legal na basehan ang pagpapatupad ng arrest warrant laban sa religious leader.

“What is illegal about enforcing valid arrest warrants? At sayo pa talaga nanggaling ito? Kapal ng mukha! Bakit hindi ka na lang tumulong sa mga awtoridad?!” mensahe ni De Lima sa dating pangulo.

Sinegundahan naman ito nina Acidre at Bongalon.

“We hope the former president refrains from issuing statements that tend to sow confusion and divide the Filipino nation based on a very faulty line of reasoning. How can one argue against a legitimate operation of law enforcement agencies?” ani Acidre.

“Bilang dating presidente, siya po ang unang-una na dapat na mag-uphold ng rule of law. Why would he say such a thing? Alam nating lahat na kaibigang matalik ng dating pangulo ang object ng arrest warrant na ito. Hindi ba dapat pairalin na lamang ang delikadeza at ‘wag na siyang magsalita tungkol dito?” pahayag naman ni Bongalon.

#PilipinasToday
#JudeAcidre
#RodrigoDuterte
#Duterte
#Quiboloy