Kuwento ni Ace Mullet ng Calamba Laguna, malaki umano kung siya ay gumastos ng p
Kuwento ni Ace Mullet ng Calamba Laguna, malaki umano kung siya ay gumastos ng pera noon dahil para sa kanya may darating pa naman na pera sa susunod na suweldo, hanggang isang araw nagising na lamang siya na wala na siyang pera at marami pa siyang utang.
Aminado si Mullet na ang hindi siya naging matalino pagdating sa kanyang financial resources, kaya gastos doon gastos dito siya noon.
“Dahil medyo maganda ang kita ko noon bilang isang design engineer, wala akong naging plano kung paano gagamitin ang kita ko. Gastos dito, gastos doon. Dahil feeling ko noon hindi pa ubos pera ko, may darating na suweldo na naman,” pag-amin ni Mullet.
Isa si Mullet sa mga OFW na nawalan ng trabaho nang magkaroon ng krisis sa langis at gas noong 2016, kaya naging jobless siya nang anim na buwan.
“Doon na nagpatung-patong ang mga problema ko, to the point na ang bank balance ko ay naging AED -71.65 dahil sa mga auto debits,” aniya.
Upang makabangon mula sa sitwasyon, nag-self-study siya tungkol sa money management, investing, at personal development.
“Basically, I self-studied and learned a lot about financial literacy. I put the knowledge I have gained into use, and slowly redeemed myself.”
Dito na unti-unting nakabangon si Mullet, at nagtayo ng negosyo sa UAE, ngayon siya ay isa nang successful online businessman, short film content production company at bar owner.
Ayon kay Labor Attaché John Rio Bautista, head ng Migrant Workers Office (MWO) sa Dubai at Northern Emirates, unpaid loans at mga kaso sa bangko ang pangunahing problema ng OFWs sa UAE.
#PilipinasToday