Hinihimok ni Sen. Sherwin Gatchalian ang mga paaralan sa bansa na magpatupad ng
Hinihimok ni Sen. Sherwin Gatchalian ang mga paaralan sa bansa na magpatupad ng mga hakbang para mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante kasunod ng pagkakatuklas ng unang kaso ng mpox (monkeypox) sa Pilipinas.
Iniulat noong Agosto 18 sa Department of Health (DOH) ang unang laboratory-confirmed na kaso ng mpox sa bansa mula noong nakaraang taon. Ayon sa DOH, ang biktima ay isang 33-taong-gulang na lalaking Pilipino na walang history ng pagbiyahe sa labas ng bansa.
Bagamat sinabi ng Centers for Diseas Control and Prevention (CDC) na mababa ang panganib ng mpox sa mga kabataan, sinabi ni Gatchalian na dapat magtulung-tulong ang mga paaralan sa pagpapalaganap ng kaalaman at aktibong itaguyod ang mga hakbang sa kaligtasan, tulad ng regular na paghuhugas ng kamay at disinpeksyon ng mga silid-aralan at iba pang lugar.
#PilipinasToday
#WinGatchalian