Kinumpirma ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagk
Kinumpirma ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagkakaroon ng aberya sa air conditioning system ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na nagsimula pa nitong Huwebes, Agosto 22.
Sa panayam ng DZBB ngayong Biyernes, Agosto 23, sinabi ni Atty. Chris Bendijo, tapagasalita ng MIAA, na nagsimula nilang maramdaman ang pagtaas ng temperature sa loob ng NAIA T3 kahapon ng hapon, dahilan upang i-check ng kanilang mga engineer ang aberya sa air condition system ng paliparan na nataon sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong long weekend.
Sa kabila nito, umaasa si Bendijo na mareresolba ang problema sa mga chiller bukas ng umaga.
#PilipinasToday
#NAIA