Toni Fowler, nagbahagi siya ng saloobin kaugnay sa ginawa ni Rob Moya

Sa isang TikTok video, sinagot ni Toni Fowler ang pahayag ng isang netizen kaugnay sa pag-mo-move on. Dito ay nagbahagi siya ng saloobin base sa kanyang personal na karanasan mula nang maghiwalay sila ng kanyang ex. Ito ay matapos ang kontrobersiyal na vlog ni Rob kung saan nag-propose ito kay Toni matapos siyang kausapin nito. Matatandaang naging magkarelasyon sina Rob at Toni pagkatapos madawit ni Toni sa relasyong Jelai Andres at Jon Gutierrez.

Deretsahang ibinahagi ni Toni Fowler ang kanyang saloobin kaugnay sa kanyang dinanas sa kanyang ex. Ito ay nang sagutin ni Toni Fowler ang pahayag ng isang netizen kaugnay sa pag-mo-move on. Aniya, sa una ay natural lang na umiyak. Kapag naalala daw niya ang kanyang dinanas ay nasasaktan pa rin siya. Hanggang sa nag-break na sila at iyak umano siya nang iyak. Kinalaunan ay napagtanto niyang may iba nang karelasyon ang ex niya samantalang siya umano ay naghihintay pa rin.

Hanggang sa hindi naging matagumpay ang mga naging relasyon ng kanyang ex. At narealize umano nito na wala siyang mahahanap na pagmamahal kagaya ng sa kanila. Ayon pa kay Toni, mahirap yung mahal ka lang kapag nawala ka na sa kanya. Ayaw niya umano ng nanghihinayang at ang gusto niya ay ang taong hindi umano siya papakawalan.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya. Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila. Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.