Liza Soberano Sparks Controversy, Ogie Diaz and Cristy Fermin React to Bea Alonzo’s Case

International actress na si Liza Soberano ay nagpakita ng pagsuporta sa kasong isinampa ng Kapuso actress na si Bea Alonzo laban sa mga showbiz columnists na sina Ogie Diaz at Cristy Fermin. Nitong Hwebes, May 2, 2024 ay personal na nagtungo si Bea Alonzo sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City kasama ang kanyang manager na si Shirley Kuan at legal counsel na si Atty. Jose Manolo Garcia para magsampa ng kasong cyber libel laban kina Ogie Diaz, Cristy Fermin at isa pang indibidwal na hindi naman pinangalanan. Kasama rin sa mga sinampahan ng aktres ang mga co-hosts nina Ogie Diaz at Cristy Fermin sa kani-kanilang mga online shows. Samantala, mainit na naging usap-usapan ngayon sa kanilang mga social media platforms at ilang entertainment news sites ang pag-like at pag-repost ni Liza Soberano sa isang Twitter post patungkol sa article na naipublished kung saan mababasa ang pagsampa ng kaso ni Bea Alonzo kina Cristy Fermin at Ogie Diaz. Bagama‘t wala namang caption si Liza Soberano sa kanyang post marami sa mga netizens ang naghinuha na ang pag-repost ni Liza Soberano sa nasabing post ay idekasyon ng pagsuporta niya sa ginawang hakbang ni Bea Alonzo laban sa mga naninira sa kanya. Ikinagulat naman ito ng ilang mga tagahanga ni Liza Soberano, dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malapit na rin si Liza Soberano kay Ogie Diaz. Si Ogie Diaz ay matagal ring nakasama ni Liza Soberano bilang kanyang manager noong nasa poder pa siya ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN. May mga netizens naman na naghinala na may lihim na galit si Liza Soberano kay Ogie Diaz na hindi pa nasisiwalat sa publiko. Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag o anumang reaksyon ni Ogie Diaz patungkol sa pagrepost ni Liza Soberano sa balitang sinampahan sila ni Bea Alonzo ng kasong cyber libel.