Cedric Lee Surrenders in NBI, Reveals Shocking Twist Against Vhong Navarro

Kusang sumuko sa National Bureau of Investigation ang business man na si Cedric Lee ilang oras matapos basahe sa Regional Trial Court ng Taguig ang hatol sa kanila ni Deniece Cornejo kasama ang dalawa pang akusado sa isinampang kasong serious illegal detention with ransom na isinampa ng It’s Showtime host na si Vhong Navarro.

Mismong si Cedric Lee ang kumuntak sa NBI na kaagad naman siyang pinuntahan ng mga ahente sa Mandaluyong city para hulihin. Pagdating sa station ay kinunan ng mugshot si Cedric Lee at kaagad na isinailalim sa finger printing.

Hinatulan ng “guilty beyond reasonable doubt” si Cedric Lee kasama sina Deniece Cornejo, Simeon Raz at Ferdinand Guerrero sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa sa kanila ng TV host-actor na si Vhong Navarro sampung taon na ang nakakaraan.

Pagkakakulong ng habambuhay o hindi bababa sa 40 years ang inihatol ng korte sa apat na akusado. Kaagad na nakulong sina Deniece Cornejo at Simeon Raz na naroon sa promulgation ng korte samantalang naglabas kaagad ng warrant of arrest laban kina Cedric Lee at Ferdinang Guerrero.

Sa pagkakaaresto kay Cedric Lee tanging si Ferdinand Guerrero na lamang ang hindi pa nakukuha at patuloy pa ring pinaghahanap ng mga pulis.

Sa kabilang banda, patuloy pa ring nanindigan na wala siyang kasalanan at nagbigay pa ng maanghang na pahayag laban kay Vhong Navarro.

Sa isang panayam kay Cedric Lee matapos ang kanyang pagsuko sa NBI, naisip nito na ikinagulat niya ang inilabas na desisyon ng korte.

Iginiit din ni Cedric Lee na wala namang nangyaring karumal-dumal na krimen noong January 2014.

“Kung wala yung mga elements, hindi talaga pasok yung crime. The most, yung nagkasakitan lang, di ba? Pumalag din naman siya so nagkasakitan lang. Hindi dapat magkaroon ng life imprisonment,” pahayag ni Cedric Lee.

Nagpahayag rin siya ng pag-alala para kay Deniece Cornejo na siyang biktima ng panghahalay umano ni Vhong Navarro.