Will Showtime Host Be Removed? Vice Ganda Speaks Up!

Nasagot na sa live airing ng It’s Showtime ang mga haka-haka at mga bali-balita patungkol sa host na tatanggalin sa naturang show.

Sa isang segment ng show naglabas ng pahayag ang mga hosts patungkol sa mga kinasangkutan nilang fake news kung saan ipinalabas na tatanggalin na sila bilang host ng It’s Showtime.

Unang nagbahagi sina Teddy Corpuz at Jugs Jugueta na nagkaroon ng usap-usapan sa social media noon na tatanggapin na sila sa show subalit sa kabutihang palad ay hindi naman ito nangyari.

Maging ang host na si Cianne Dominguez ay napabalita ring tatanggalin sa It’s Showtime. Bago maging official host ni Cianne Dominguez sa It’s Showtime, ay naging finalist muna ito sa isang segment na ‘sexy babe’ ng nasabing show.

Naging laman rin ng mga usap-usapan noon ang pagpapatanggal kay Kim Chiu bilang host ng It’s Showtime dahil tila nasasapawan na sasapawan na umano nito ang isa sa mga main host ng show na si Karylle. May mga nagsasabing tila hindi rin maganda minsan ang mga sinasabi ni Kim Chiu sa paghohost ng It’s Showtime.

Samantala, nagbigay naman ng pahayag si Vice Ganda kung saan sinabi niyang ok na sila ngayon ng mga co-host niya sa show subalit, hindi niya maiwasan na matakot na baka ay mabawasan sila dahil napakaganda ng samahan nilang mga It’s Showtime family.

Sa kabilang banda, marami naman sa mga madlang pipol ang umaasa na sana ay huwag na lamang silang bawasan. Mas mabuti pa umanong magkaroon sila ng dagdag na host kaysa sa mabawasan.