Gab Valeniano, game na nakipag-showdown sa sayawan sa kanilang H2H campaign

Nagpakita ng gilas sa sayawan si Gab Valenciano habang nasa house to house campaign sa Divisoria sa Manila. Ibinahagi ni Gab ang video kung saan kasama niya ang isang lalaki sa isang showdown sa sayawan.

Matapos ang kanilang performance, ipinakita rin ni Gab ang kanyang chant na patok sa publiko. Napahanga nito ang mga tagasuporta ni VP Leni Robredo sa kanyang kasipagan sa pangangampanya.

Si Gab Valenciano ay kilalang dancer, actor, musician, host, percussionist, drummer, choreographer, director, at commercial model. Anak siya nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan.

Sa kabila ng una niyang mapagtawanan na performance sa isang rally, kung saan ginawa niya ang chant, ngayon ay ito’y kinakanta na rin sa Spotify. Dumarami ang natutuwa sa chant na ito ni Gab para sa kampanya nina VP Leni at Sen. Kiko Pangilinan.