K Brosas, napalaban sa kantahan at napatagay habang nangangampanya

Sa kanyang pangangampanya, napadaan si K Brosas at ang kanyang kasamahan sa isang handaan. Pinaunlakan nito ang mga tao at napakanta siya ng awiting “Natatawa Ako” sa videoke. Nakantiyawan din siya na uminom kaya nagpaunlak din siya ng isang shot saka tuluyan nang nagpaalam sa mga tao sa handaan. Marami naman sa mga tagasuporta ni VP Leni Robredo ang nagpasalamat kay K sa personal nitong pangangampanya.

Masayang binahagi ni K Brosas ang isang video kung saan napalaban siya sa kantahan at napatagay habang nangangampanya. Ito ay matapos nilang mapadaan sa isang handaan. Pinaunlakan nito ang mga tao at napakanta siya ng awiting “Natatawa Ako” sa videoke. Napainom din siya ng isang shot bago sila tuluyang nagpaalam ng kanyang kasamahan para ipagpatuloy pa ang pangangampanya.

Nakilala si K sa husay niya sa pagpapatawa at galing sa pagkanta. Sa katunayan, nakapag concert na rin siya na talaga namang sinuportahan ng kanyang mga tagahanga. Naging kabilang si K sa mga hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime bago siya lumipat sa TV5.

Kamakailan ay ibinahagi ni K ang kanyang naging karanasan nang tamaan siya ng COVID-19. Aniya ay dumating siya sa puntong nag-huling habilin na siya. Naiulat din ng KAMI ang tungkol sa kanyang pasasalamat sa mga proyektong ibinigay sa kanya ng TV-5 matapos siyang lumipat. Sinagot niya rin ang mga patutsada sa kanya ng mga bashers.