Vhong Navarro to Pay Deniece Cornejo and Cedric Lee for Damages
Inilabas na ng Taguig Regional Trial Court sa kasong isinampa ng It’s Showtime host na si Vhong Navarro laban sa model na si Deniece Cornejo at nobyo nitong si Cedric Lee.
Hinatulan ng Taguig Regional Trial Court ng guilty beyond reasonable doubt sina Deniece Cornejo, Cedric Lee at dalawa pang sangkot sa kasong illegal detention for ransom na inihain ng It’s Showtime host na si Vhong Navarro.
Hinatulan ng Reclusion Perpetua o nasa 40 years na pagkakakulong sina Deniece Cornejo at mga kasamahan nito ng Branch 153, Taguig Regional Trial Court nitong hwebes ng umaga May 2, 2024.
Bukod kay Deniece Cornejo at Cedric Lee kasama rin sa hatol ang dalawa pang sangkot na sina Ferdinand Guerrero at Simeon Raz.
“KUNG SAAN, ang mga lugar na isinasaalang-alang, ang hukuman na ito sa pamamagitan nito ay hahanapin ang akusado na sina DENIECE MILLINETTE CORNEJO, CEDRIC LEE, FERDINAND GUERRERO at SIMEON PALMA RAAZ, GUILTY beyond reasonable doubt para sa krimen ng SERIOUS ILLEGAL DETENTION FOR RANSOM, na tinukoy at pinarusahan sa ilalim ng Article 267 Revised Pension. , gaya ng binago; at sa pamamagitan nito ay hinahatulan sila ng RECLUSION PERPETUA,” ayon sa hatol na pinirmahan ng Presiding Judge na si Mariam Bien.
Samantala, kinansela na rin ng korte ang bail bond na inilagak ng mga suspek.
Sa ngayon ay nasa kulungan na umano sina Deniece Cornejo at Simeon Raz na parehong pumunta sa promulgation.
Kaagad namang naglabas ng warrant of arrest ang korte para agarang maaresto sina Cedric Lee at Ferdinand Guerrero na parehong hindi dumalo sa promulgation hearing.
Sa kabilang banda, ipinag-uutos rin ng korte na magbayad ng 300,000 thousand pesos ang mga akusado kay Vhong Navarro bilang civil indemnity, moral damages at exemplary damages.
Maari namang mag-apela ng mga akusado ang kanilang mga sintensya subalit hanggang ngayon ay patuloy pa ring nananahimik ang panig ng mga ito.
Samantala, nagbigay na rin ng pahayag si Vhong Navarro kung saan inihayag niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga taong naniniwala at walang sawang sumusuporta sa kanyang pakikipaglaban para sa hustisya.