Ogie Diaz Tries Diwata’s Paresan, Reveals Taste Instantly – Shocking Experience Exposed!
Matapos ang pagsagot ni Diwata sa naging kritisismo ni Ogie Diaz patungkol ng 100 pares overload ng social media influencer, sinubukan na mismo ni Ogie Diaz ang produkto nito upang malaman ang totoong lasa nito.
Personal na sinubukan ng talent manager na si Ogie Diaz ang Diwata Pares Overload bilang tugon sa mga batikos na kanyang natanggap matapos talakayin ang kalidad ng pagkaing inihain ng internet sensation.
Noong Abril 24, binanggit ni Ogie Diaz ang review ng kanyang mga kaibigan na bumisita sa Paresan na pag-aari ni Diwata o Deo Balbuena sa totoong buhay, na subpar daw ang mga pagkaing iniaalok sa nasabing establisyimento.
“Tinatanong ko kasi dahil na-viral eh. Yung ano sabi don, na hindi raw masarap yung pares. So tinanong ko yung kaibigan ko na kumain don. Ang sabi ng friend ko eh parang hindi daw kasundo ng kanyang panlasa,” pagsisiwalat noon ni Ogie Diaz.
Bilang, sinabi ni Diwata na wala siyang pakialam sa opinyon ni Ogie Diaz at iba pang tao na umuokray sa kanyang inihahaing tugon. Iginiit pa ni Diwata na malaya naman umano silang pumili kung saan kakain dahil hindi siya namimilit ng tao.
“Wala akong pakialam sa sinasabi nila, tulad ng sinasabi ko kung hindi mo gusto ‘yung pagkain ko, mag-scroll at pumunta sa ibang nagtitinda,” said Diwata. “Ang tinitinda ko kasi, hindi ko ‘yan pinipilit, kung hindi mo gusto, marami namang kainan,” pahayag ni Diwata.
“Yung sinasabi nila na hindi pasok sa panlasa, edi humanap ka ng pasok sa panlasa, problema ba ‘yon?” dagdag pa ng showbiz columnist.
Kaagad namang nilinaw ni Ogie Diaz sa kanyang vlog, na hindi niya sinasadyang punahin si Diwata at nagbigay pa siya ng magiliw na payo iginiit din niya na ang feedback ay makakatulong sa internet sensation na magsagawa ng kanyang serbisyo sa paresan business.
Para mabigyan ng maayos na tugon si Diwata, gumastos si Ogie ng P2,000 para personal na matikman ang Diwata Pares Overload at ang fried chicken ni Diwata.
Positibo ang tugon ni Ogie sa Pares at fried chicken ni Diwata, sinabing tama ang lasa ng pagkain sa presyo nito.
“Okay naman… hindi ganoon ka-fabulous pero okay na for 100 pesos. Kasama ‘yung rice? Unli ‘yung rice?” saad ni Ogie.
“For 100 pesos, hindi na masama,” dagdag pa ni Ogie Diaz.