Cheerleaders mula sa iba’t ibang unibersidad, nagkaisa, nag-perform para sa Leni-Kiko tandem
Sa kasalukuyan, nagkaisa ang ilang cheerleaders mula sa iba’t ibang unibersidad sa Pilipinas upang ipakita ang kanilang suporta para sa tambalang Leni Robredo-Kiko Pangilinan. Inilagay nila sa tabi ang kompetisyon at nag-perform ng sabay-sabay sa “Angatleta sa Araneta” event noong Mayo 3. Sa nasabing okasyon, pinagtipon ang mga atleta mula sa iba’t ibang unibersidad upang gumawa ng ilang aktibidades. Ang video ng performance ng mga cheerleaders ay kumalat sa social media.
Sa kanilang trending cheer dance performance sa event na ginanap sa Araneta Coliseum, Quezon City, nagtampok sila ng sayaw at mga stunt gamit ang ilang pamilyar na tugtugin kasama na ang viral na Leni-Kiko chant na pinasikat ni Gab Valenciano.
Ang “Angatleta sa Araneta” ay isang pagtitipon kung saan ang mga atleta mula sa iba’t ibang unibersidad ay nagkakaisa upang ipahayag ang kanilang suporta sa nasabing tambalan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng parada ng mga atleta at exhibition games, sa iba’t iba pang aktibidades.
Si VP Leni Robredo ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay isang human rights lawyer. Ang kanyang asawa ay ang yumaong DILG Secretary na si Jesse Robredo. May tatlong anak sila, sina Aika, Patricia, at Jillian. Si VP Leni ay kasalukuyang kumakandidato para sa pinakamataas na posisyon sa bansa sa darating na eleksyon sa Mayo 2022.
Si Moira Dela Torre ay isa sa mga kilalang celebrities na nagpapakita ng suporta para sa tambalang Leni Robredo-Kiko Pangilinan. Kasama si Lolito Go, isinulat ni Moira ang kanta na pinamagatang ‘Ipanalo Natin ‘To’. Ang music video nito ay inilabas sa kanyang social media pages isang linggo bago ang Araw ng Halalan.