Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte, ini-endorso ng Iglesia ni Cristo
Inihayag na ng Iglesia ni Cristo ang mga kandidatong susuportahan nila sa darating na Halalan sa Mayo 9. Tulad noong 2016, suportado pa rin nila ang kandidatura ni Bongbong Marcos na ngayo’y tumatakbo sa pagka-pangulo ng bansa. Ang running mate naman nito sa pagka-bise presidente na si Mayor Sara Duterte ay suportado rin nila. Maging ang 12 na senador na susuportahan ng kanilang kapatiran ay kanila na ring pinangalanan.
Pormal nang inihayag ng religious group na Iglesia ni Cristo (INC) ang pag-endorso nila kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte Carpio bilang kanilang Presidente at Bise Presidente sa darating na Halalan sa Mayo 9. Nalaman ng KAMI na pinakaabangan ito ngayong araw Mayo 3 kung saan naging matunog ang pag-anunsyo na ito ng nasabing grupo. Una itong ibinalita sa Net 25 na umano’y pagmamay-ari ng INC.
Bukod sa Pangulo at Pangalawang pangulo, pinangalanan na rin nila ang mga senador na kanilang susuportahan. Ito ay sina Jejomar Binay, Alan Peter Cayetano, JV Ejercito, Guillermo Eleazar, Chiz Escudero, Jinggoy Estrada, Sherwin Gatchalian, Loren Legarda, Robin Padilla, Joel Villanueva, Mark Villar, at Migz Zubiri.
Ayon pa sa ulat, ibayong pag-aaral umano at pagsasaliksik ang ginawa ng grupo sa kani-kanilang sinusuportahang kandidato ang kanilang ginawa bago nila isapubliko ang kanilang desisyon. Matatandaang mahalaga ang pagkakaisa umano nila maging sa pagpili ng pinaniniwalaan nilang nararapat di umano na mamuno sa bansa.
Narito ang kabuuang ulat mula sa ‘Mata ng Agila’ ng Net 25:
Si Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr. o kilala rin sa kanyang initials na BBM ay isang Filipino politician na nagserbisyo sa bansa bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.
Pebrero 8 nang ganapin ang proclamation rally ng UniTeam nina BBM at Mayor Sara Duterte sa Philippine Arena. Kamakailan, nag-viral ang video ng mga supporters ng Bongbong Marcos-Sara Duterte tandem kung saan maririnig silang humihiyaw ng “Hindi kami bayad.” Kuha ito sa Talavera, Nueva Ecija na pinuntahan umano ng ‘UniTeam’ noong Marso 15. Paulit-ulit na isinisigaw ng mga supporters na hindi sila bayad, taliwas sa kumakalat na espekulasyon na may kanya-kanya di’umanong hakot ang sinumang mga kandidato. Sinagot naman ito ng Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “Ang mga tagasuporta ng UniTeam ay naniniwala sa unity, hindi sila bayad.”