Kim Chiu Quick to Rebound After Being Single on It’s Showtime!
Muli na namang napagkaisahan ng mga kasamahang It’s Showtime hosts ang aktres na si Kim Chiu sa pinakabagong episode ng It’s Showtime. Ito’y matapos ang pagkakapili kay Kim Chiu para sa random act of kindness para maghanap ng mga mag-jowang nagdi-date. Napa-react naman rito si Vice Ganda, at natatawang taon kung bakit sa dinami-rami nilang hosts ay si Kim Chiu pa ang napili para maghanap ng mga magjowang nagdidate. Gayunpaman, game na game ring naghanap si Kim Chiu ng mga jowang kasalukuyang nagdidate. Sinabi pa ni Kim Chiu na talagang pagbubutihan niya ang paghahanap ng mga magjowa. Samantala, sa kamakailang social media post ni Kim Chiu ay nagpatulong na siya sa kanyang mga tagahanga at suporta para makahanap ng mga magjowa na mapupuntahan sa pamamagitan ng sasakyan. May mga nagkomento naman sa post ni Kim Chiu kung saan ibinahagi nila ang larawan nila ni Paulo. Kaagad naman itong sinagot ni Kim Chiu na sobrang **busy** umano nilang dalawa kaya naman iba na lamang ang irekomenda, bukod pa rito, hindi naman umano kailangan nila sa BMC ng ayuda dahil naipareserved na nito ang buong EK. Ang tinutukoy ni Kim Chiu ay ang mga karakter nila sa kanilang teleserye na What’s Wrong With Secretary Kim? subalit, iba ang naiisip ng mga KimPau shippers. Hinala ng maraming fans, na unti-unti na umanong inaamin nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang kanilang pagmamahalan. Inuunti-unti lamang umano nila ang **pag-amin** sa kanilang relasyon dahil pareho silang nagmula sa isang hiwalayan.