Yasmien Kurdi Welcomes Second Child with Rey Soldevilla
Isinilang na ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ang kanilang ikalawang anak ni Rey Soldevilla sa pamamagitan ng caesarian section.
Ibinahagi ni Yasmien Kurdi sa kanyang Instagram account ang ilang mga larawan sa isinagawang procedure sa kanyang panganganak.
Isiniwalat din ni Yasmien Kurdi na nais niyang manganak ng normal ngunit hindi raw naaayon sa kanyang mga plano **ang nangyari**.
Ayon kay Yasmien Kurdi, matapos ang maraming tests na isinagawa sa kanya na napag-alaman na manipis pa rin pala ang kanyang CR scar matapos ang mahigit 11 years. Hindi umano **ito magandang indikasyon para ipagpatuloy nila ang kanyang plano na normal delivery**.
Mas pinili na umano nila ang CS procedure sa mismong araw ng pagsisimula ng kanyang labor.
Napag-alaman din nila sa panahon ng pamamaraan na **ang kanilang ikalawang anak ay mayroong cord coil**. Kaya naamn mas nakabuti na rin ang pagpapa-CS.
“After series of tests nalaman namin na manipis pa din pala **ang CS scar ko even after 11 years – not a good indication. 'Di na namin itinuloy because of many high-risk possible scenarios and we opted for CS the day I labored**,” pagbabahagi ni Yasmien Kurdi.
Dagdag pa niya, “Nalaman din namin noong procedure na may cord coil ang baby. It actually was a good call that we opted CS because if we tried VBAC [vaginal birth after cesarean section] sana mag CS pa tayo.”
Ang cord coil ay ang pupulupot ng baby sa leeg nito habang nasa loob ng tiyan ng puso, na maaaring magdulot ng posibleng panganganak sa bata via normal delivery.
Labis rin ay nagpapasalamat si Yasmien Kurdi sa mga doktor na tumutulong sa kanya para mailabas ang kanyang ikalawang anak ng ligtas.