Darryl Yap seeks gag order vs Vic Sotto’s camp

Nilinaw ng kampo ng movie director na si Darryl Yap na wala pa silang natatanggap na utos mula sa Muntinlupa Regional Trial Court sa pagpapatigil ng pagpapalabas ng promotional materials ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma.

Kabilang daw rito ang kontrobersiyal na teaser ng pelikula ni Darryl, kunsaan direktang binanggit ang pangalan ng TV host-comedian na si Vic Sotto.

Pinalagan ito ni Vic kaya naghain siya ng petisyon sa korte para sa writ of habeas data.

Kabilang sa hiling ng kampo ni Vic ang pagpapatigil sa pagpapakalat ng anila’y personal at sensitibong detalye tungkol sa Eat Bulaga! host.

Bukod pa rito ang tuluyang pag-alis online ng promotional materials ng upcoming film na The Rapists of Pepsi Paloma.

Sa inilabas na utos ng Muntinlupa Regional Trial Court, pinagsusumite nila si Darryl ng “verified return on the writ” sa loob ng limang araw mula sa pagkatanggap nito sa petisyon.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

DARRYL YAP’S CAMP asks court to issue gag order

Sa panayam ng GMA News sa legal counsel ni Darryl na si Atty. Raymond Fortun nitong Biyernes, January 10, 2025, sinabi nitong ang ipinasusumiteng “verified return on the writ” kay Darryl ay kanilang sasagutin sa susunod na mga araw.

Diin ni Fortun, “Writ was issued, no stop order.”

Humiling din ang kampo ni Darryl ng gag order mula sa korte para pigilan ang kampo ni Vic na pag-usapan ang anumang detalye tungkol sa kasong kinasasangkutan ng kontrobersiyal na pelikula ni Darryl.

Ani Fortun, “From disclosing the contents of the verified return to the public and enjoining them to dutifully keep in strict confidence the proceedings and matters learned before this Honorable Court.”

Anu’t ano man daw ang mangyari ay ilalaban nila ang karapatan ni Darryl sa “freedom of artistic expression.”

Nakasaad sa isinumite nilang motion, “Further considering that the verified return shall involve an unreleased film by a prominent director, any disclosure of the verified return would not only violate the Respondent’s freedom of expression, but it shall also cause grave and irreparable damage to the Respondent’s artistic license and outcome of the film.”

VIC SOTTO FILES 19 COUNTS OF CYBER LIBEL VS DARRY YAP

Noong Huwebes, January 9, 2025, personal na nagtungo si Vic sa Muntinlupa City Regional Trial Court para pormal na sampahan ng reklamong cyber libel si Darryl.

Vic Sotto reactions after filing for cyber libel complaint

Kasunod ng panunumpa ng salaysay ni Vic ay ang paglabas din ng utos ng korte para sa petisyon niyang writ of habeas data.

Ibinaba ang utos mula sa sala ni Presiding Judge Liezea Aquiatan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205.

Nakasaad sa order: “Before this Court is a verified Petition for Writ of Habeas Data filed by petitioner Marvic “Vic” Castelo Sotto, praying that this Court issue a Writ of Habeas Data.

“Finding the Petition sufficient in form and substance, let a writ of habeas data issue directing respondent Darryl Ray Spyke B. Yap to submit a verified return of the writ within five (5) days from receipt thereof in accordance with Section 10 of A.M. No. 08-1-16-SC.

“Set the Petition for summary hearing on January 15, 2025 at 08:30 in the morning to determine the merits of the Petition.

“The parties are enjoined to present on that day their respective evidence pertaining to the Petition. Furnish the respondent a copy of this Order with a copy of the Petition and its Annexes. SO ORDERED. Muntinlupa City, January 09, 2025.”

Paliwanag ng abogado ni Vic na si Atty. Buko dela Cruz, “The writ was issued. So, yung hinihiling namin dun sa writ, granted.

“Ititigil po muna lahat nung mga postings, etc.

“In the meantime, pinapasagot siya [Darryl] dun sa aming reklamo.”

Ibig bang sabihin nito ay pinapa-takedown ang lahat ng postings tungkol sa The Rapists of Pepsi Paloma movie?

Paglilinaw ni Dela Cruz, “Wala pa po yung kopya ng writ, order pa lang po yung hawak namin.

“Dun po sa writ, andun yung list kung ano yung mga bawal.”

Additional reports by Arniel Serato