Neri Naig syndicated estafa case arraignment postponed anew

Humarap sa Pasay City Regional Trial Court Branch 112 si Neri Naig Miranda para sa arraignment ng kanyang mga kaso, Huwebes, January 9, 2025.

Nahaharap si Neri sa mga kasong 14 counts of violation of Securities Regulation Code, at syndicated estafa.

Kasama ni Neri na dumating sa korte ang asawang si Chito Miranda.

NERI NAIG’S ARRAIGNMENT POSTPONED TO A LATER DATE

Ayon sa ulat ng 24 Oras kinagabihan, ipinagpaliban muli ng korte ang pagbasa ng sakdal sa kay Neri.

May mga mosyon pa raw nais resolbahin ang husgado bago tuluyang basahan ng sakdal ang actress-businesswoman.

Neri Naig Miranda with husband Chito Miranda at the Pasay City RTC

Photo/s: Courtesy: 24 Oras on YouTube

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Neri Naig Miranda with husband Chito Miranda at the Pasay City RTC

Hindi nagbigay ng anumang pahayag ang mga abogado ni Neri sa media.

Samantala, sinabi ni Prosecutor General Richard Fadullion na iaakyat sa Department of Justice (DOJ) ang pagdinig sa reklamong syndicated estafa laban kay Neri.

Ito ay kasunod sa pagbasura ng Pasay RTC sa warrant of arrest kay Neri. Hindi umano nabigyan ng due process si Neri dahil hindi siya nakatanggap ng subpoena.

Ito ay kasunod ng paghahain ng kanyang kampo ng motion to quash warrant of arrest noong December 4, 2024.

Bukas naman dito ang kampo ng complainants.

Ayon kay Atty. Roberto Labe, “They are availing the remedies, karapatan naman po nila yun, but still, the facts remains na may mga private complainants.”

NERI NAIG case

Noong Nobyembre 2024, nasangkot si Neri sa patung-patong na kaso.

Hinuli si Neri ng pulisya sa basement ng isang convention center sa Pasay City noong November 23.

Ito ay kaugnay ng 14 counts of violation of the Securities Regulation Code (SRC) at syndicated estafa.

Umabot sa PHP1.7 million ang buong piyansa para sa 14 counts of security regulations violation at non-bailable naman ang syndicated estafa.

Noong December 4, nakalabas si Neri mula sa limang araw na hospital furlough.

Sa halip na bumalik siya sa piitan ay diretso nang nakauwi ang negosyante at dating aktres.

Ito ay matapos ipag-utos ng Pasay City RTC Branch 112 ang agarang pagpapalaya kay Neri kasunod ng pagpabor ng korte sa motion to quash ng kampo ng actress-businesswoman.

Pitong araw namalagi si Neri sa Pasay City Jail Female Dormitory matapos itong maaresto.

Malaking tagumpay para sa mga abogado ni Neri ang araw na iyon dahil bukod sa napaboran ang kanilang motion to quash a warrant of arrest, pinalaya rin si Neri mula sa pagkakakulong.

Ang motion to quash ay isang remedyong legal kung saan ang akusado ay pinapayagang kuwestiyunin ang legalidad ng warrant of arrest.

Sa ngayon, hindi pa rin bumabalik sa social media si Neri.