Coco Martin, mas gustong magbigay ng trabaho kaysa magpaulit-ulit na magbigay ng pera
– Mas pinipili ni Coco Martin na magbigay ng trabaho kaysa magbigay ng paulit-ulit na tulong pinansyal sa mga taga-showbiz industry
– Lumapit si Rod Navarro, Jr. kay Coco upang maging bahagi ng FPJ’s Batang Quiapo at agad siyang nabigyan ng oportunidad
– Ipinatupad ni Coco ang mahigpit na disiplina sa set, kabilang ang pagiging drug-free at pagbibigay ng maayos na kagamitan para sa lahat
– Tinutulungan niya ang mga nangangailangan sa industriya upang magkaroon ng mas maayos na kinabukasan sa pamamagitan ng trabaho
Inilahad ni Coco Martin, ang tinaguriang Kapamilya Teleserye King, na mas pinipili niyang magbigay ng trabaho sa mga kasamahan sa industriya kaysa paulit-ulit na magbigay ng tulong pinansyal. Sa isang panayam kay Ogie Diaz sa YouTube channel nito, ibinahagi ni Coco ang kanyang pananaw hinggil sa pagbibigay ng suporta sa mga humihingi ng tulong.
Patunay sa kanyang pagtulong ang pagkuha kay Rod Navarro, Jr., anak ng yumaong direktor na si Rod Navarro, bilang bahagi ng cast ng FPJ’s Batang Quiapo. Aniya, personal na lumapit si Rod Jr. upang makapasok sa serye, at agad naman siyang binigyan ng pagkakataon. Ngayon, gumaganap na siya bilang si Dindo, ang kanang-kamay ng karakter ni Irma Adlawan na si Olga.
Bukod sa pagtulong, ibinahagi rin ni Coco ang kanyang sekreto sa tagumpay ng mga seryeng Ang Probinsyano at Batang Quiapo. Ayon sa kanya, ang flexibility ng kwento ang isa sa mga dahilan ng tagal at tagumpay ng mga ito. “Meron akong umpisa pero wala akong gitna at dulo,” ani Coco, na sinabing kaya niyang ikabig ang kwento depende sa takbo ng istorya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!
Bukod sa pagiging metikuloso sa trabaho, pinahahalagahan ni Coco ang disiplina sa set. Ipinatupad niya ang ilang alituntunin tulad ng pagbibigay ng maayos na kagamitan para sa mga talent, pagiging drug-free sa set, at pagpapahalaga sa professionalism. Sinisiguro rin niyang palaging busog ang lahat ng kanyang katrabaho, mula sa artista hanggang sa crew.
“Kung seryoso ka at mahal mo trabaho mo, aalagaan mo ‘yon at iingatan mo,” ani Coco, na inamin ding may isang miyembro ng kanilang team ang pansamantalang pinag-leave matapos mag-positibo sa paggamit ng droga.
Sa kabila ng pagiging mahigpit, patuloy na tinutulungan ni Coco ang mga nasa industriya na nangangailangan, na may layuning mabigyan sila ng mas magandang kinabukasan sa pamamagitan ng trabaho.
Si Coco Martin ay isang kilalang aktor at director sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga teleserye at pelikula, lalo na sa kanyang mga proyekto sa ABS-CBN. Ang kanyang pinaka-tanyag na papel ay bilang si “Cardo Dalisay” sa hit action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano,” na umere mula 2015 hanggang 2022.
Hindi mapagkaila ni Celia Rodriguez ang labis na paghanga niya sa kabutihan ng aktor na si Coco Martin. Kahanga-hanga ang pagtulong ng Batang Quiapo actor kahit hindi niya ito personal na kilala. Marami na rin umanong narinig at nalaman si Celia na natulungan ni Coco. Wala raw siyang ibang nasabi sa aktor kundi alagaan ang sarili gayung kailangan pa siya ng industriya.
Sa isang video na ibinahagi ng ABS-CBN News, kapwa nagmukhang nalilito sina Carlos Yulo at Coco kung sino ang dapat maging fanboy ng isa’t isa. Ngunit naunahan ng Olympic twin-gold medalist ang aktor-director nang hilingin niyangmakapagpa-picture dito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!