Heart Evangelista, emosyonal na ginunita ang Renewal of Vows nila ni Chiz Escudero

– Naging emosyonal si Heart Evangelista habang inalala ang renewal of vows nila ni Chiz Escudero sa Balesin Island noong Pebrero

– Ibinahagi niya na hindi agad siya nagdesisyong magplano ng kasal dahil sa mga pagsubok na kanyang hinarap noon

– Dinaluhan ng kanilang mga kaibigan at pamilya ang seremonya, kung saan ang kanyang ina ang naghatid sa kanya sa altar

– Tinawag ni Heart si Chiz bilang isang “dakilang arkanghel” na nagbigay sa kanya ng walang kondisyong pagmamahal

Hindi mapigilan ni Heart Evangelista na maging sentimental habang inaalala ang renewal of vows nila ng asawang si Chiz Escudero sa Balesin Island noong Pebrero.

Heart Evangelista, emosyonal na ginunita ang Renewal of Vows nila ni Chiz Escudero
Heart Evangelista, emosyonal na ginunita ang Renewal of Vows nila ni Chiz Escudero
Source: Instagram

Sa pinakabagong episode ng “Heart World,” ibinahagi ng Global Fashion Icon ang tungkol sa ikalawang pagkakataong nag-propose sa kanya si Chiz.

Ayon kay Heart, hindi siya agad nagdesisyong magplano ng kasal dahil sa mga pagsubok na kanyang pinagdaraanan noon. Sinabi niyang maraming bagay ang iniisip niya noon at hindi maayos ang kanyang kalooban. Dagdag pa niya, nais niyang maramdaman ang pagmamahal at hindi lamang makita ito sa papel.

Read also

Gerald Anderson, sinagot ang tanong kung okay na sila ni ‘B’

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!

Matapos ang halos isang taon ng pagninilay, inamin ni Heart na unti-unti na siyang naging handa. Ayon sa kanya, mas naging mahalaga sa kanya ang pagpaplano ng kasal siyam na buwan bago ang seremonya. Idinagdag din niya na tumagal ng tatlo hanggang dalawang buwan ang desisyon nilang ituloy ang pagpapakasal.

Noong Pebrero 15, isang araw matapos ang Valentine’s Day at kaarawan ni Heart, ginanap ang renewal of vows ng mag-asawa sa parehong lugar kung saan sila unang ikinasal noong 2015.

Ibinahagi ni Heart na ang muling pagpapakasal ay nagbigay sa kanya ng mas malalim na pag-unawa sa tunay na pagmamahal. Inamin niyang noong una, akala niya ay alam na niya kung ano ang pag-ibig, ngunit napagtanto niyang hindi pa pala.

Sa kanyang personal na wedding vow, sinabi ni Heart na ang ikalawang kasal ay tila kasing espesyal ng una. Tinawag din niya si Chiz bilang isa sa mga “dakilang arkanghel” sa kanyang buhay na nagbigay sa kanya ng walang kondisyong pagmamahal. Aniya, ang pagmamahal ng kanyang asawa ang nakapagpagaling sa maraming tao sa paligid nito, pati na rin sa kanya. Binanggit din niya na hindi niya lubos maisip kung paano ang kanyang buhay kung wala si Chiz at idinagdag niyang hindi lang ito asawa kundi ang pinakamagaling na anghel sa kanyang buhay.

Read also

Gerald Anderson, sinagot ang tanong kung totoo ang lumabas na isyu sa kanila ni ‘P’

Dinaluhan ng malalapit na kaibigan at pamilya ang seremonya. Inihatid siya sa altar ng kanyang ina na si Cecilia Ongpauco. Bagamat hindi nakadalo ang kanyang ama na si Rey Ongpauco dahil sa medikal na gamutan sa Estados Unidos, nagpadala ito ng video message para sa anak. Sa mensahe, pinasalamatan ni Rey si Heart at binati ang mag-asawa sa kanilang ikalawang kasal, sabay hiling na magtagal sila habang buhay.

Sa espesyal na araw, suot ni Heart ang isang custom-made Ellie Saab gown na mala-engkantada, habang si Chiz ay elegante sa kanyang all-white suit.

Si Heart Evangelista ay isang kilalang Filipino actress, model, at philanthropist. Ipinanganak noong February 14, 1985. Bukod sa kanyang karera sa showbiz, naging parte si Heart ng mga philanthropic activities at proyekto. Siya rin ay may mga social media platforms kung saan aktibo siya sa pagbibigay ng updates tungkol sa kanyang buhay personal at professional.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit.

Read also

Nadia Montenegro, nagbigay ng update matapos ang kanyang heart surgery

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!