AiAi, nang matanong ni Boy Abunda kung may third party: “Ramdam ko na meron”

– Inilahad ni AiAi Delas Alas na ramdam niyang may third party umano sa kanila ng asawang si Gerald Sibayan

– Nabanggit niyang minsan na pala itong nagawa ni Gerald, ilang taon na ang nakalipas

– Aniya, ito rin ang naging dahilan bakit nagkaroon umano siya ng trust issues

– Gayunpaman, kinumpirma na rin ni AiAi ang hiwalayan nila ng kanyang mister na 10 taon din niyang nakarelasyon

Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, nausisa si AiAi Delas Alas kung ramdam niya umanong may third party sa relasyon nila ng mister na si Gerald Sibayan.

AiAi, nang matanong ni Boy Abunda kung may third party: "Ramdam ko na meron"
AiAi, nang matanong ni Boy Abunda kung may third party: “Ramdam ko na meron” (Fast Talk with Boy Abunda)
Source: Facebook

Doon, nailahad ni AiAi maging ang dati nang nagawa ni Gerald na siyang naging dahilan upang magkaroon umano siya ng trust issues sa mister.

“Ako ramdam ko meron… It doesn’t matter naman kung meron o wala na kasi ‘nung sinabi niya na firm na siya sa desisyon, wala naman na akong ilalaban ‘di ba?” sagot ni AiAi sa tanong ni Boy Abunda kung “may third party ba?”

Read also

AiAi, emosyonal nang maikwentong sinubukan nilang magkaanak ni Gerald

Hindi na umano niya nagawang ilaban pa ang relasyon gayun alam naman daw niya ang kahihinatnan nito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“‘Pag lumaban pa kasi ako, kunwari nagstay ako, parang alam ko naman yung magiging ending e. ‘Yung dignity ko ba and yung self worth ko, mawawala na yun e, magtira naman ako. Kasi alam ko mangyayari ulit yun.”

Nailahad niya ang unang pagkakataong nalaman niya ang umano’y ‘cheating’ na nagawa ng mister.

“Kasi Ama nung 2019, nag-cheat na rin siya. So parang may trust issues na ako. Siguro isa yun sa minsan hindi ko alam na pagtalak ko sa kanya minsan ‘yung, hindi naman mahigpit pero yung tanong na, nasan ka na? Sabi mo 12 nandito ka na. ‘Yung mga ganun siguro na hindi ko rin napapansin.”

Narito ang kabuuan ng kanyang payahag mula sa Fast Talk with Boy Abunda:

Si Ai-Ai Delas Alas ay isang aktres at komedyante sa Pilipinas. tinagurian siyang ‘Queen of Comedy ng bansa.Sa dami ng nagawa niyang pelikula, isa sa pinakatumatak na karakter niya ay bilang si Ina Montecillo sa serye ng pelikulang ‘Ang Tanging Ina.’

Read also

AiAi, kinumpirmang hiwalay na sila ni Gerald sa mismong araw ng 60th birthday niya

Sa naturang panayam ni Boy Abunda kay AiAi Delas Alas sa mismong kaarawan nito, kinumpirma ng aktres na hiwalay na sila ng mister na si Gerald Sibayan.

Naibahagi rin niyang minsan na silang sumubok na magkaanak ni Gerald sa pamamagitan ng in vitro fertilization subalit sa tatlo, dalawa na agad ang hindi nagtagumpay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!