Angie Mead King’s car “burst into flames” along SLEX

“The car is gone.”

Ito ang napabulalas na sabi ni Angie Mead King habang tinitingnan ang sports car niya na natupok ng apoy sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX).

Sa kanyang unang post sa Instagram ngayong Huwebes ng hapon, November 7, 2024, ipinakita ni Angie ang video ng pulang Acura NSX na natupok ng apoy ang buong likod hanggang sa bubong ng driver at passenger’s seats.

Naganap ang insidente sa SLEX North Bound sa may South Woods exit papuntang Metro Manila.

Nang mga oras na iyon ay may MMDA officers nang rumesponde kay Angie, at sinusubukan nilang buksan ang hood ng kotse.

“F*ck! This is such a crazy experience,” bulalas pa ni Angie.

Angie Mead King sports car

Photo/s: @angiemeadking Instagram

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“THE CAR IS DEAD”

Sinundan niya ito ng Instagram Live video habang siya ay sakay ng sasakyan ng aniya’y isang good Samaritan na tumulong sa kanya.

Pagbabalita ni Angie, “The car is dead. It’s literally gone. Caught on fire after the exit. It’s gone. No words.”

Ayon kay Angie, siya ay nasa maayos namang kalagayan.

Pero aniya, “My lung’s hurt. The car caught on fire while I was driving and then the car dropped down and basically burst into flames.”

Kakaayos lang daw ni Angie sa kanyang sports car.

“I dont know exactly what happened but the car’s modified.

“There’s no way to rebuild it. The rear chassis is completely burned.

“The engine looks… the metal’s probably warped because the flames were intense.”

Pina-tow ang kotse sa Susanna Heights.

Nagtungo rin si Angie sa police station para magsumite ng paperworks dahil sa insidente.

Nagpasalamat naman siya sa mga taong nag-alala sa kanyang kondisyon matapos makita ang nangyari sa kanyang sports car.

“Thanks for checking. I’m alive,” ani Angie.

Dagdag niya, “There’s nothing I can do. Just gotta continue the day.”