Angie Mead King details how she got out of car on fire
Sinundo si Angie Mead King ng kanyang asawang si Joey Mead King matapos ang aksidenteng pagkasunog ng Acura NSX sports car ni Angie sa South Luzon Expressway ngayong Huwebes, November 7, 2024.
Naglabas ng Instagram Story si Joey habang siya ay nasa mall para ibalita kung paano niya nalaman ang car accident ni Angie.
“Hi, guys! Angie is okay. It’s not fun getting a call from your spouse saying, ‘Hey, the car is on fire!'”
Ayon kay Joey, kaka-pick up lang ni Angie sa sports car mula sa pagawaan ng kaibigan nila.
Matagal daw pinaayos ang kotse, at ilang beses pang na-check bago nabigyan ng clearance na puwede na itong kunin ni Angie.
Sa sumunod na IG story ni Joey, ipinakita niya ang kanyang pagdating sa isang restaurant kunsaan niya sinundo si Angie.
Kasama pa ni Angie ang good Samaritan na isa sa mga sumaklolo sa kanya.
ANGIE MEAD KING SAFELY PARKED THE FLAMING CAR
Dito na ikinuwento ni Angie ang nangyari sa kanya habang minamaneho ang sports car kanina.
Bini-break in daw niya sana iyong kotse, at naka-exit pa ng Biñan, Laguna.
“All of a sudden, someone overtook me [at SLEX] and [was] honking at me. I looked up in my rear view. I saw the fire,” ani Angie.
Buti na lamang at safe na nakapag-park at nakababa ng kotse si Angie.
Lahad niya: “I proceeded to pull off the shoulder.
“I could tell it was getting worse because the car started stuttering already.
“And then, I got out.”
Tiningnan daw niya kung puwede pang makuha mula sa trunk ng kotse ang computer niya para sa paggawa ng kotse, pero hindi na raw niya ito naisalba dahil natupok agad ng apoy ang rear portion ng kotse.
IT WAS THE “DRIVER CAR OF DRIVER CARS”
Mabilis na lang daw kinuha ni Angie ang kanyang camera, laptop, at iba pang gamit sa kotse.
Nakunan pa ni Angie ng video ang nasusunog niyang sports car.
“It’s heartbreaking. Watching it more now. It sucks,” kalmado pero aminadong malungkot na sabi niya.
“I was just sharing with my vlog how, this is it, this is the driver car of driver cars. It was such a fun car to drive.”
Tinanong ni Joey kung may assumptions ba si Angie kung bakit nasunog ang kotse.
Ani Angie, posibleng “fueling issue” pero hindi na raw niya malalaman pa dahil wala raw car autopsy dito sa Pilipinas.
Sabi ni Joey, “I’m just glad you’re ok, Honey.”
Sang-ayon ni Angie, “I’m alive.”
Nagpasalamat sina Joey at Angie sa kasama ni Angie na sumaklolo sa kanya.