The story behind Azenith Briones disappearance in 2023

Naging issue noong November 2023 ang biglaang pagkawala ng veteran actress na si Azenith Briones.

Ayon sa naging balita, dalawang linggo na pilit na kinokontak ng mga kaibigan si Azenith, pero wala silang narinig na sagot mula sa aktres.

Kasabay ng pagkawala ni Azenith ay ang diumano’y issue sa pera sa pagitan niya at ng mga anak na sina Joseph Dante, Preciosa, John Rey, at James Matthew.

Lumitaw din ang mga haka-hakang nalulong sa masamang bisyo si Azenith.

Ang sitwasyon ay ni-report ni Isabel Rivas sa National Bureau of Investigation (NBI) para maimbestigahan ang pagkawala ng kaibigan.

Heto ang pinost ni Isabel sa Facebook noong November 18, 2023 (published as is):

“Friends: I just want to inform everyone that I am looking for my dear friend Azenith Briones who was abducted & up to this time we cannot find.

“It all started when I saw this post on my wall. I have talked to the proper authorities & we her friends will do everything we can to get her out where they are keeping her.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“She is not an addict, not alcoholic, not addicted to gambling & definitely not mentally challenged nor crazy as others claim.

“She is in her best state at 67 years young but yes she’s going thru heartbreak’s bcuz of family issues.

“May God protect her wherever they are hiding her, give her strength & hope.

“May our authorities help Azenith Briones in her time of need.

“This is one of her lowest times after her husband died trapped in a casino years ago. No mother deserves to be treated like this. I plead to her family to pls help us find or just see her as we all know how devastated she must be at this time.

“Pls let’s all pray for Azi as I fondly call her for us to see her, amen Jesus Christ we lift her up To You Lord God… amen. FYI… her FB was taken down too.”

THE REASON AZENITH BRIONES DISAPPEARED

More than a year later, sa pamamagitan ng YouTube channel ni Julius Babao na UNPLUGGED, ekslusibong nakapanayam si Azenith sa tahanan nito sa San Pablo, Laguna.

Aerial view ng tahanan ni Azenith Briones sa San Pablo, Laguna

Photo/s: Screen Grab from Julius Babao’s YouTube channel

Isiniwalat ng 67-year-old beauty queen turned actress na ipinasok siya ng mga anak sa Bridges of Hope Drug, Gambling & Alcohol Rehabilitation Center sa Parañaque City.

Ayon sa mga anak ni Azenith, may mga “signs” of addiction ang kanilang ina sa pagsusugal.

Tila nagiging tambayan niya ang casino, at minsan daw ay inuumaga siya ng uwi.

Pero, batay sa kuwento ni Azenith, nagkaroon daw ng misunderstanding sa pagitan niya at ng mga anak.

Aniya, “Napunta ako doon kasi nakita ko yung reason ng mga anak ko is because they thought, all the while, you know, I’m already addicted to gambling. Iyon yun, iyon yung reason…”

Pero nanindigan si Azenith na hindi siya complusive gambler. Pumupunta lang daw siya sa casino dahil sa kanyang negosyo at mga kaibigan.

“But then sinabi ko nga, hindi naman talaga ako, ano, because kilala ko naman sarili ko, e. Talagang hindi naman ako addict sa casino. Talaga lang ako’y minsan pumupunta roon, napapa-limit dahil I have a lot of friends tapos yung negosyo ko din, doon din ako ano kasi I’m into jewelries, di ba? Tapos, may mga friends din ako doon, di ba, nakakakuha ako nang mas mura.

“Alam mo naman sa casino, di ba? May mga alahas, may mga relo, so I take advantage sa kinukuha ko then, pinupuhunanan ako, then I sell it back,” paliwanag pa niya.

Dahil sa madalas na pagpunta ni Azenith sa casino, naalarma ang kanyang mga anak. Pina-ban siya ng panganay niyang si Joseph Dante.

Nalaman na lang ito ni Azenith noong magchi-chek in sana siya sa Solaire Resort and Casino.

Pero kahit banned na raw siya ay patuloy pa ring nagpupunta sa casino ang dating aktres.

FAMILY FEUD

Tanong ni Julius, “Hindi ba kayo nag-uusap as a family?”

Sagot ni Azenith, “Kumbaga sa ano…nagri-reach out, but then ang nangyayari, hindi kami magkaintindihan, e. Yun na yun ako parang nahihirapan na nagkakasigawan na kami.

“Kumbaga feeling ko, parang nawala na yun respeto sa akin. Kasi kung may love, maiintindihan niyo ako. Kasi ako, minsan naiintindihan ko sila, inuunawa ko sila because mga anak ko sila at mahal ko sila.

“So dapat do’n, give and take kayo, bigyan niyo ng pagkakataon ang mama niyo na makapag-eksplika.”


azenith briones
Azenith Briones at 67

Photo/s: Screen Grab from YouTube channel of Julius Babao

Nakakaramdam daw siya ng lungkot kaya madalas siyang magpunta noon sa bahay niya sa BF, Paranaque City, o di kaya’y lumalabas sila ng mga kaibigan.

Pero wala raw dapat ipag-alala ang mga anak niya sa mga kaibigang sinasamahan dahil, “Wala akong negative friends. Wala akong nakita sa mga kaibigan kong nag-take advantage sa akin.”

Bukod dito, hindi raw niya ginagalaw ang pera para sa mga negosyo nila. Kung maglaro man siya, sariling pera raw niya ang ginagastos.

Nag-alala rin daw kasi ang mga anak na baka naaapektuhan ang mga negosyo ng pamilya dahil sa mga ginagastos ni Azenith sa casino.

Nag-alala rin ang mga anak sa kalusugan ng kanilang ina dahil parati siyang puyat.

Pero hindi maiwasan ni Azenith na sumama ang loob sa mga anak dahil sa desisyon nilang ipasok siya sa rehab.

Hindi man lang daw kasi nasabihan ang mga kaibigan o kamag-anak.

“Sabi ko nga, feeling ko noon, ‘E, iyon pala iyon, e, di dapat nag-usap na lang tayo.’

“Kasi para hindi na lang naging ganoon lang kasi, siyempre, hindi ko masisisi yung mga tao, lalo na yung mga kaibigan kong close sa akin na nag-alala na rin.

“Saka yung ibang tao na hindi ko ka-close, na naalarma sila na dahil cellphone ko, nakapatay, e.

“Dapat sinabi na lang nila para ang mga tao pati relatives ko, mga kamag-anak ko, hindi mag-alala,” diin ni Azenith.

THE STAY IN REHAB

Maging siya raw ay nagulat noong araw na dinala siya sa rehab. Wala raw siyang idea at all noong kumatok sa kuwarto ang mga sumundo sa kanya.

“Sino kayo? Hindi ko kayo kilala! Tapos nakita ko yung anak ko. Yun ang parang ano ko na…natakot ako kasi di ko kilala mga tao, e.

“Sabi ko, ‘Saan niyo ako dadalhin?'”

Puwede raw siyang magmatigas at puwede raw niyang sabihin na, “Wag niyo akong galawin, nasa loob kayo ng pamamahay ko at puwede ko kayong idemanda.”

But, “Sumama na lang ako…siguro, ginusto na lang ng Panginoon iyon,” ang sabi niya habang nagingilid ang luha.

For about a week, hindi raw ipinaliwanag sa kanya kung bakit siya dinala roon. Wala rin daw siyang kausap.

“I want to talk to somebody para ma-ano yung isip ko, di ba? Hindi ako mag-ano ng kung anu-ano, di ba?”

Hindi raw niya maintindihan kung bakit siya nandoon.

Ang kuwento pa niya, “Tapos may katabi pa ako na, diyusko, may katabi pa ako na nagsisisigaw. Nakakalabas, nakahubad…

“Ang hirap ng sitwasyon ko na ikaw ay normal, maayos ang pag-iisip mo, na bakit ka nandodoon, may kasama kang mga ganito.”

May schedule na sinusunod kahit sa pagligo, na dapat ay hindi lalampas sa four minutes, at pagbibihis, na hindi dapat lalampas sa three minutes.

Pati raw sa pagkain, “parang militar” at “mabilisan.”

Ni hindi raw siya makareklamo.

Bawal rin daw siyang dalawin.

“Ang magdedesisyon lang, mga anak ko, e. Controlled ng mga anak ko rin, e…”

Ang naging daily routine niya ay gigising sa umaga, kakain, sasali sa mga activities gaya ng movie watching at games, pupunta Bible study, magro-rosary, dadalo sa mass…”

Nakaramdam daw siya noon ng pagkalito,pagkalungkot, pagkarindi, pagkabuwisit, at pagkaawa sa sarili.

Halos six months din daw siyang nanatili roon.

Naitanong daw niya noon:: “Lord, bakit kailangan itong gawin ng mga anak ko?

“Okay, matatanggap ko iyon kung walanghiya akong nanay, e. But through the years since day one, since bata, nako, responsible ako, hands-on ako sa mga anak ko…”

Pero consistently, ipinapaabot daw sa kanya ng mga taga-rehab na mahal siya ng mga anak niya.

AZENITH BRIONES’S SONS SPEAK UP

In-interview rin ni Julius ang mga anak.

Si Joseph Dante ang nagpaliwanag kung bakit kinailangan nilang dalhin sa rehab ang aktres.

At hindi lamang ito dahil sa gambling kundi dahil na rin sa relasyon nilang mag-iina.

joseph dante
Joseph Dante, ang panganay na anak ni Azenith Briones

Photo/s: Screen Grab from YouTube channel of Julius Babao

Aniya, “Dumating po sa point na hindi maganda yung relationship namin sa mama namin. Hindi kami makapag-communicate nang maayos, so, tapos, magulo po talaga, e. Magulo yung sitwasyon namin a few months ago…

“So nag-isip po kami ng way, ‘Paano ba natin matutulungan ang pamilya namin? Ano ba yung paraan?’

“Hindi na namin alam kung ano yung solution, e. Hindi na po namin alam kung paano mare-resolve yung issues namin as a family.”

Tanong ni Julius: Naisip ba nila at that time na may gambling addiction ang kanilang ina?

Sagot ng panganay, “May mga signs po kasi…”

At dahil may problema sila sa pamilya, ang tingin ng mga anak ay ginagawa yun ng kanilang ina “para makalimot” at malibang.

Maingat sa pagsagot si Joseph Dante lalo na noong klinaro ni Julius kung napatunayan bang hindi addicted sa gambling si Azenith.

Panimula ni Joseph Dante, “Ah…naglalaro lang naman parang gano’n…posibleng [maging addiction].”

Ang ipasok sa rehab ang naisip nilang solusyon.

Ani John Rey, “Naisip namin na yun, seek [help]. Ito yung goal natin, maayos yung pamilya. Tapos medyo from here, ‘Ano yung options natin?’

“Mahirap yung decision kasi, hindi naman siya yung, kumbaga, hindi siya yung ginagawa mo everyday, e, na gano’n.”


john ray
John Rey, Azenith Briones’s son

Photo/s: Screen Grab from YouTube channel of Julius Babao

Hindi mabanggit ni John Rey ang rehab.

Sang-ayon ang panganay na mahirap ang ginawa nilang decision, na “ten months naming pinag-isipan, hindi biglaan…”

Aniya pa, “Hindi po ganun kadali na i-ano natin si Mama sa ganyan.”

Noong pumutok ang balitang nawawala si Azenith, marami raw nang-bash sa magkakapatid.

Saad ni Joseph Dante, “Ang daming sinasabing negative towards us, e. Isa lang naman ang lagi kong sinasabi sa mga kapatid ko na importante kami yung maging strong na magkakasama kasi alam natin kung bakit natin ginagawa ito.

“Wag nating kakalimutan, kaya natin ginagawa ito, ginagawa natin para mabuo yung pamilya natin, para mabigyan ng chance yung pamilya namin na mabuo…

“So humingi kami ng tulong.”

Ang period na iyon ay naging daan para mas lalong maging matatag ang relasyon nila bilang magkakapatid

Nakita rin daw nila kung sino talaga ang mga tunay na kaibigan at mga nakakakilala sa kanila.

Pinili nilang manahimik.

Sabi ni Joseph Dante, “Hindi ko kailangan magpaliwanag kahit kanino kasi kumbaga hindi po nila alam yung totoong nangyayari. So based lang sa speculations.

“So mangyayari diyan, kahit may sabihin ako, baka mali pa rin sa pananaw nila. Baka sumama lang din yung loob ko kung ganun yung naririnig ko.

“So inisip ko, dahil hindi ko naman kailangan dahil nga masyadong marami nang sinasabi…kumbaga blinock ko na lang yung mga negative sa isip ko…”

Pero ang nakitang pagkukulang ni Azenith ay yung pagpapaliwanag sa mga nag-alala sa kanya, at pag-a-assure sa mga ito na okay siya at nireresolba lamang nila ang isang family matter.

Ang bashing, aniya, “ang consequences ng ginawa natin,” lalo pa’t “walang definite explanation.”

Ipinagtanggol din niya ang naging panawagan ni Isabel on her behalf.

Aniya, “Huwag niyo ding sisihin si Isabel dahil kumbaga sa ano, hindi ko ipinagtatanggol iyan, pero kaibigan ko iyan.

“Matagal kaming nagsama. Anytime may problema ako, may problema rin siya, kami yung magkakasamang nag-uusap,” kaya ganoon na lamang daw ang pag-aalala sa kanya ng veteran actress.

THE AFTERMATH OF REHAB

Sa bandang huli, nakatulong ang pagdadala sa kanya sa rehab.

Nahirapan man siya pero “worth it naman yung pagitiis ko, pagtitiyaga ko, dahil may binigay namang reward yung Diyos sa akin,” ani Azenith.

Azenith Briones with sons Joseph Dante, Preciosa, John Rey, at James Matthew
Azenith Briones with sons (L-R) Joseph Dante, Preciosa, John Rey, at James Matthew.

Photo/s: Screen Grab from YouTube channel of Julius Babao

Ang mahalaga, better ang relationship nilang mag-iina.

“Mga anak ko iyan, e, napatawad ko sila sa lahat nang nagawa nila.

“So dapat sila rin marunong magpatawad sa mga taong akala nila ay nakasakit sa kanila.

“Yung nangyari sa rehab, ang Panginoon ang gumawa noon. Ginamit ng Diyos ang mga anak ko, naging tools, para dalhin ako sa rehab.

“Dinadala rin sila doon para maging maayos kami. Iyon ang pasasalamat ko, psychologist, psychiatrist, mga officer doon sa program ko.

“Talagang tumutulong sila para sa mga anak ko, kausapin din.

“At least mamamatay ako na masaya kami ng mga anak ko,” pahayag ni Azenith.’

WHO IS AZENITH BRIONES?

Eighteen years old si Azenith noong maging isa siya sa models ng fashion designer na si Rudy Fuentes.

In 1975, sinali si Azenith sa Mutya ng Pilipinas pageant, kunsaan naging 2nd runner-up siya at nanalong Miss Photogenic.

Young Azenith Briones
Young Azenith Briones

Photo/s: File

Na-introduce si Azenith sa 1977 film na Omeng Satanasia, na pinagbidahan ni Comedy King Dolphy.

Big break ni Azenith ang 1980 sex-comedy film na Temptation Island, kunsaan nakasama niya sina Dina Bonnevie, Jennifer Cortez, Bambi Arambulo, at Deborah Sun.

Naging paboritong leading lady si Azenith ng mga action stars noong 1980s tulad nila Fernando Poe Jr., Rudy Fernandez, Lito Lapid, Ace Vergel, Anthony Alonzo, Rey Malonzo, at Dante Varona.

Ikinasal si Azenith sa businessman na si Eleuterio Reyes, na isa sa naging casualties sa Resorts World Manila attack noong 2017.