Vet calls for respect after a doctor belittles his profession

Nanawagan ang isang beterinaryo para sa “mutual respect” matapos siyang maliitin diumano ng isang doktor.

Sabi ng veterinarian na taga-Legaspi City, ipinaramdam sa kanya ng doktor na hindi sila magka-level at mas mababa ang doktor ng mga hayop.

Ikinuwento ng veterinarian ang karanasan sa isang Facebook post noong October 31, 2024, at umani ito ng maraming reactions mula sa mga netizens.

Aniya, nagpunta siya sa presinto matapos maurungan ang kanyang sasakyan ng driver ng isang pick-up vehicle.

Pagdating sa presinto, nagkita sila ng amo ng driver na isang female doctor.

Isinalaysay sa post ang naging pag-uusap ng veterinarian at doktor para mag-areglo:

“The doctor, who is the boss of the driver who bumped into my car, said, ‘Let’s not drag this out; I have patients to attend to.’”

Sagot naman ng veterinarian (published as is), “May pasyente din po ako doc na kailangan puntahan.”

Usisa raw ng female doctor: “Doctor ka?”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ng veterinarian, “Yes po doc. Vet po ako.”

Ikinagulat ng vet ang isinagot ng doktor.

Sa pagpapatuloy ng kanyang kuwento sa post, “She replied, ‘That’s fine. Hayop lang naman pasyente mo, while mine are humans. We could swap patients if you want.’ Natameme ako bigla sa sagot niya.”

Hindi na sumagot ang vet, at nagkasundo sila sa kaso ng kanilang nagbanggaang mga sasakyan.

Pero hindi pa pala tapos ang doktor. May sumunod pa itong hirit na “pinakamagaspang.”

Pagpapatuloy ng vet, “She asked, ‘What’s your name again?’ I replied, “[Name of the vet] po, Doc.’”

Banat daw ng doktor, “I wouldn’t call you a doctor since you’re not on par with a real doctor.”

Nakita raw ng vet na pati ang mga pulis na naroon ay napaismid at napataas ang kilay sa pahayag ng doktor.

Hayag ng vet, “I’m not particularly attached to titles—I couldn’t care less if people call me by my first name or nickname.

“Wala ako pake dun but I was shocked to encounter a doctor who would belittle another profession simply because they think highly of themselves.”

Pabiro na niyang hirit, “Feeling ko na-left and right hook ako dun.

“She seemed like a nice person naman, but I guess she just looks down on vets like us.”

equality scales

Photo/s: Mohamed_hassan on Pixabay

VETerinarian CALLS FOR MUTUAL RESPECT

Sa sumunod na bahagi ng kanyang post, sinabi ng vet na gusto niyang i-educate ang iba tungkol sa kanyang propesyon.

Simula niya, “I think this is the best opportunity to educate those who undervalue our profession.”

Giit niya, “Veterinarians are also doctors.

“We study the physiology and anatomy of various animal species, along with microbiology, pathology, surgery, pharmacology, parasitology, immunology, and specialized fields like swine, ruminant, wildlife, feline, and canine medicine.

“Unlike human patients, animals can’t talk, so we rely heavily on clinical history, observation, symptoms, and lab results to make accurate diagnoses.”

Binigyang-diin din niya na hindi lang “just HAYOP” ang tingin ng iba sa mga pasyente ng mga beterinaryo.

“Many pets are beloved family members, and livestock provide foods for all of us.”

Bilang panghuli, post niya, “This isn’t meant to undermine other professions, but rather to encourage MUTUAL RESPECT for each profession.

“A little bit of kindness and respect can go a long way.”

veterinarian post

NETIZENS REACT

Umani ng daan-daang comments ang post ng vet.

Karamihan dito ay nagpakita ng simpatiya at suporta sa kanya, kabilang na ang ilang doktor.

Saad ng isang nagpakilalang doktor (published as is): “on behalf of non-entitled doctors, my sincerest apology.”

doctor comment 1

Sundot ng isa pa, marespeto siyang tao at nirerespeto siya hindi dahil doktor siya kundi, “dahil may respeto ako sa lahat kahit na anuman ang katayuan antas sa lipunan.”

Tila wala raw “good manners and right conduct” na subject ang nakausap na doktor ng vet.

doc comment 2

Maanghang na komento ng isa pa ukol sa doktor, “she has total lack of empathy, a character you want when looking for a doctor.”

netizen on empathy

Napaisip naman ang isang netizen kung paano itrato ng doktor ang mga pasyente nito.

Sabi pa nito, “Di talaga nakikita sa haba ng pinag-aralan ang pag uugali ng isang tao.”

May paalala rin ang isa pang netizen na bagama’t masamang ugali ang ipinakita ng doktor sa vet, mayroon pa rin namang mabubuting doktor.

Sabi nito, “There will always be rotten apples in the basket. After saying Oh My Goodness to ourselves for the rotten ones. Let us be thankful for the good ones…”

vet comments

Ang isa namang netizen na isang fur parent, nagpasalamat sa mga vets.

Sinabi nitong bago mamatay ang kanyang alagang aso, inalagaan ito nang husto ng mga vets at nakisimpatiya rin sa kanila matapos nitong pumanaw.

Dagdag ng netizen, “DOCTORS like you deserve all the respect, not because of the profession or the title, but because of the love you show for our furry, feathered, scaled, etc family members.”

fur parent comment

Paliwanag naman ng isa pang netizen, mukhang may superiority complex ang female doctor sa inasal niya.

Sabi ng netizen (published as is): “We need Vet physicians as much as we need medical doctors.

“No profession is more superior than the others. May kanya kanya tayong kadalubsahaan.

“The nerve. Typical God complex si doctor.”

netizen comment on doctor

Ganito rin ang sentimiyento ng ilan pang netizens.

Dismayado ang isang netizen dahil may mga tao raw na iniisip na angat sila sa iba dahil sa kanilang estado.

Sabi nito, “It’s disheartening when people belittle others based on titles or hierarchy.

“Veterinarians are also doctors—they care for animals that often mean the world to their owners.”

Iginiit din niya ang kahalagahan ng mutual respect.

netizen on medical doctors

Komento ng isa pa, mahalaga ang pagkakaroon ng tamang asal lalo na sa mga nasa medical field.

Saka nito ipinagtanggol ang vet.

Pahayag ng netizen (published as is): “Ethical & well mannered physicians matters most…

“We love Veterinarians they are exemplary and Not just an ordinary doctor, they diagnose our feline & canine family who cannot even speak on their own…”

Sabi ng isa pa, tulad ng medical doctors, ang veterinarians ay doctors din na kahit sila ay nagsasagawa ng surgeries para iligtas ang buhay ng mga hayop.

netizens on veterinarians