Dante Balboa: Where is he now?

May dalawang dekada na pala simula noong talikuran ng dating sexy actor na si Dante Balboa ang pag-arte sa pelikula.

Sa kasagsagan ng kanyang showbiz career, marahil ay hindi alam ng kanyang mga fans na Elmer Anisco ang kanyang tunay na pangalan.

Dante Balboa
Dante Balboa

Photo/s: @dante_balboa on Instagram

Mas naging aktibo ang former Seiko Films actor sa mga non-showbiz activities at ang patuloy na pag-aaral niya ng iba’t iba pang kurso sa kolehiyo.

Dante Balboa
Dante Balboa

Photo/s: @dante_balboa on Instagram

“I’ve been busy with a lot of things in life since I left showbiz. Busy sa pagtuturo, pag-aaral sa doctoral ko, and mga short courses, attending academic trainings and seminars.

“Tumatanggap din tayo ng mga speakerships, talks and judge sa mga contests. Ngayon ay busy rin ako sa work sa real estate as associate director,” pahayag ni Dante sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya via Facebook Messenger last October 26.

Dahil sa pagsisikap ni Dante sa pag-aaral, naging professor siya sa tatlong universities (Polytechnic University of the Philippines, University of Makati and Far Eastern University); nagkaroon ng limang Master’s Degree (Filipino, Communication, English Language Teaching, Anthropology and Philosophy); dalawang PhD (Filipino Major in Panitikan and Tourism & Hospitality); at sampung advanced college units in anthropology, psychology, philosophy, linguistics, film & audio-visual communication, journalism, broadcast communication, communication research, interior design and landscape architecture.

Dante Balboa's curriculum vitae
Dante Balboa’s curriculum vitae

Photo/s: @dante_balboa on Instagram

DANTE’S RELENTLESS QUEST FOR ACADEMIC EXCELLENCE

May dahilan raw kung bakit hindi natitigil si Dante na pag-aaral. Nagsimula raw ito noong bata pa siya at nakahiligan daw niya ay ang magbasa ng iba’t ibang libro.

Dante Balboa's book collection
Dante Balboa’s extensive book collection

Photo/s: @dante_balboa on Instagram

Kuwento niya, “Ever since naman, mula pa noong bata ako, mahilig na ako mag-aral. Nung elementary, high school and college ako, sa library ako tumatambay at nagbababad. Konti lang yung mga non-academic extra-curricular activities ko.

“Mahilig ako sa kaalaman. Parang lahat ng discipline or courses gusto ko. Actually, ang house ko parang library. Napakarami kong books. Tapos, philosophical pa ako mag-isip. Time is gold, parang feeling ko hinahabol ko ang panahon para malaman ang lahat.

“And pinapahalagahan ko ang education. Kahit hindi naman 100% assurance na ang education ang susi sa pag-unlad and happiness ng isang tao, go lang ako. At pinangako ko ito sa sarili hanggang sa pagtanda ko, mag-aaral ako.”

Isa sa naging magandang experience ni Dante ay noong maging professor siya sa kolehiyo in 2006. Natuwa raw siya sa reaction ng kanyang mga naging students dahil kilala nila ang kanilang professor na si Elmer Anisco bilang sexy actor.

Pag-amin niya, “Masaya yung idea na actor and professor ka at the same time, kasi aminin natin na kahit saang field, advantage talaga ang pagiging actor.

“Kasi bihira lang ang nabibigyan ng opportunity sa showbiz. And admit it or not, na pag nabigyan ka ng opportunity sa showbiz, ibig sabihin noon, may hitsura ka. Maliban lang sa comedy at horror.

“Oo, nakikilala naman nila ako, lalo na nung mga unang taon o dekada ko ng pagtuturo. Ngayon kasi, itinatanong na nila ako sa mga parents nila, tapos sasabihin ng mga parents nila, ‘Talaga prof mo si Dante Balboa?’ Di sila makapaniwala.

“Pero di naman pumapasok sa sistema ko ang pagiging actor, lalo na ang pagiging sexy actor ko noon sa pagtuturo kasi iba ang mundo ng academya. At hindi naman ako natanggap sa pagtuturo dahil artista ako, kundi dahil sa academic credentials ko.”

DANTE REVEALS MORE GRATIFYING REWARD FROM TEACHING

Inamin ni Dante na hindi gaano “financially rewarding” ang pagtuturo, pero kakaibang fulfillment naman daw ito para sa pagkatao niya.

Lahad niya, “Depende siguro kung magiging superstar or sikat ka, mabilis o bulusok ang pasok ng pera sa showbiz. Kung iisipin mo nga isang buwan o isang taon na s Uweldo ng pagtuturo, isang raket lang ng sikat na artista.

“Pero iba rin kasi yung fulfillment and happiness na nararamdaman sa pagtuturo. Napaka-rewarding.

“Pero iyun nga lang, sa pagtuturo, di ka puwede maging National Artist na siyang ultimate dream ko, unless sa Literature. Mas financially rewarding ang showbiz kahit di permament job.

“Pang ‘bayani’ na work kasi ang pagtuturo, e. Pero eto, sinuswerte rin sa real estate job ko.”

DANTE’S EARLY YEARS IN SHOWBIZ

Bagamat nagsimula bilang print and ramp model si Dante, pinasok niya ang mundo ng showbiz in 1998 sa unang niyang movie, ang comedy na Dr. X On The Air.

Dante Balboa
Dante during his showbiz heyday

Photo/s: @dante_balboa on Instagram

Dante Balboa
Dante during his prime as one of Seiko Films’ sexy actors

Photo/s: @dante_balboa on Instagram

In 2002, naging contract star siya ng Seiko Films at lumabas siya sa pelikulang Kasiping (2002). Gumawa rin si Dante ng iba pang sexy films sa ibang film outfits tulad ng Karelasyon (2004), Takaw-Tingin (2004) at Temptasyon (2004).

Dante Balboa's past movies
Some of Dante Balboa’s past sexy films

Photo/s: @dante_balboa on Instagram

Paminsan-minsan daw ay nami-miss din niya ang umarte.

Saad niya, “Nakailang pelikula lang ako noon and fulfilment na yun para sa akin. Di lang din naman ako sa film, e. Theater actor din ako and professional model before. So maraming mundo akong ginagalawan.

“Oo, nakaka-miss, pero sabi naman nila, ‘once an actor always an actor,’ di ba? Kahit matagal kang di nakikita, pag may tinanggap ka muli na project, andiyan ka na naman.

“Yun ang maganda sa showbiz, walang pinipiling edad, walang retirement, lahat may roles para sa edad mo.

“Baka one of these days, mag-produce ako ng play or film, mura na lang naman mag-produce ngayon, e. Since nagsusulat din ako at sumasali sa Palanca Literary Award.”

DANTE NO REGRETS ABOUT SEXY IMAGE DURING HIS SHOWBIZ HEYDAY

Walang raw pagsisi si Dante sa binigay na kanya na sexy image noon.

Aniya, “Wala namang problema dun, di naman pornographic ang ginawa ko.

“Sa ibang bansa nga, kahit mga porno actors may mga tinapos na pag-aaral, e.

“Di naman kabawasan sa pagkatao ang pagiging sexy actor. Dapat nga hangaan ka pa e, dahil ‘di biro ang mag-maintain ng katawan.

“Kasi katawan at mukha ang puhunan, di ba?

“And kahit sa sexy genre ako napabilang, proud ako kasi binansagan akong ‘The Educated Hunk’ ni Ricky Lo, ‘Thinking Hunk’ ni Mario Bautista, at ‘Erudite Hunk’ ni Billie Balbastro.

“Imagine, di sa mga wholesome actors napunta iyan kundi sa hamak na sexy actor na tulad ko.”

Dahil confident at walang inhibitions noon si Dante, kaya wala raw siyang inurungan na mga sexy scenes.

Pagbabalik-tanaw niya, “Never naman akong nag-back out. Gustung-gusto ko ang pagiging sexy actor, kasi wala naman akong inhibitions, e.

“Maputi naman ako, flawless naman, ultimo singit ko and malaki naman ang ano ko.

“Tsaka masaya din naman yung kahit papaano pinagpapantasyahan ka or may nagnanasa sa iyo, e. Ibig sabihin nun, okay ka. Kaysa naman wala, di ba?

“E, kaya ka nga nasa showbiz di ba, para gustuhin ng tao? Para sa akin, pantay lang yung galing ng pag-arte at yung ginugusto ka ng tao physically as an actor.

“Tsaka hindi alam ng lahat, mas challenging ang sexy movies dahil imagine di mo pa kilala yung co-actor mo, may love scenes at halikan agad! Acting yun!

“And noon, ang unang mga isu-shoot mga love scenes, para alam agad ng producers kung kaya mo o hindi para di mag-aksaya ng film. Unlike ngayon na puro takes kasi digital at tipid na.”

DANTE ADMITS HAVING HAD HIS SHARE OF INDECENT PROPOSALS DURING HIS PRIME

At hindi naman itinatanggi ni Dante na nakaranas siya na maalok ng indecent proposal noong aktibo pa siya sa showbiz at noong modeling days pa niya. May paraan nga raw siya kung paano niya hina-handle ang gano’ng situwasyon.

Rebelasyon niya, “Pag sinabi kong wala, parang ibig sabihin naman nun di ako kanasa-nasa. Oo, hindi lang minsan, pero napakarami.

“Pero malawak kasi isip ko sa ganyan, e. Nilaro ko lang ang mga situwasyon. Siyempre, we are living in a world of sex naman, di ba? Tatlong bagay lang ang nagpapaikot sa mundo: love, lust, and power or money.

“So pagdating sa sex, unawain mo lang sila. Pag gusto niya at ayaw mo, stop. Pag gusto mo pero ayaw niya, stop din. Pero pag gusto niyo pareho at nasa tamang edad na kayo, go!

“Iyan ang prinsipyo ko. Ngayon sa PhD dissertation ko, sex ang topic ko e.

“SEKS SA LITERATURA: DALUMAT AT LAPAT NG LITERARY KINSEYISM SA MGA AKDANG PAMPANITIKAN NI RICKY LEE.” Kaya napakarami ko nang nabasa tungkol sa sex.

Dante Balboa's PhD dissertation
Dante Balboa’s PhD dissertation

Photo/s: @dante_balboa on Instagram

“Sex expert na rin ako! Hopefully, next year graduate na ako sa pangalawang PhD ko.”

DANTE ADMITS HE STILL GETS ACTING OFFERS

Nakakatanggap pa rin daw si Dante ng mga acting jobs, pero dahil sa profession niya ngayon, kailangan niyang tanggihan ang mga ito.

“After kasi ma-ban sa SM ang sexy films noon, dun na nakapag-isip mga producers, e.

“Kasali ako dun sa transition period na iyun, buti na lang nagtuturo ako. Kawawa yung iba talaga na walang mga options maliban sa showbiz.

“Oo, may mga offers, pero di na namin tinanggap ng manager ko kasi second lead, third lead na ang offers.

“Ganun kasi talaga pag galing ka sa sexy films, hirap maka-penetrate sa mainstream. Unless may backer. So nahirapan ako o kami ng manager ko mag-decide that time. Tsaka kumonti na talaga movies that time, more on TV na.

“Oo, may mga offers pa rin sa TV and plays, pero di ko na rin tinatanggap kasi mahirap ang scheduling, e. Tapos, mahirap ipagpalit sa regular work na may regular na salary, di ba?

“Pero malay mo one of these days, pag may offer tanggapin ko ulit. Basta okay. May mga nagtatanong din kasi sa akin na mga followers ko sa FB at IG, e.”

DANTE SHARES IMPORTANT LESSON GLEANED FROM HIS SHOWBIZ YEARS

Ano ang important lesson na natutunan ni Dante sa showbiz?

Sabi niya, “More than anything else ay yung pakikisama sa lahat ng katrabaho. At pakikipag-kapwa tao. Okay kasi yung maaalala ka nila kasi matino kang tao.”

DANTE’S ENVIRONMENTAL ADVOCACIES

At kahit matagal na siyang wala sa showbiz spotlight, nakatanggap ng award kamakailan si Dante dahil sa kanyang naging advocacy sa kalikasan.

“I received the International Golden Globe Achievers Awards 2024 as Actor, Educator, Doctor of Philosophy who have the Greatest Contribution in the Tourism and Environment of the Philippines.

Dante Balboa International Golden Globe Achievers Award 2024

Photo/s: @dante_balboa on Instagram

Dante Balboa's International Golden Globe Achievers Award 2024
Dante Balboa’s International Golden Globe Achievers Award

Photo/s: @dante_balboa on Instagram

Dante Balboa
Emilio Garcia
Dante with co-awardee, actor Emilio Garcia (right)

Photo/s: @dante_balboa on Instagram

“Super-proud ako pag nabibigyan ako ng award about my tourism advocacy. Kasi more than two decades kong pinaghirapan ang advocacy ko na iyan para sa Pilipinas.

“Modesty aside, walang ibang makakagawa nyan, natatangi iyan at kabayanihan iyan, sabi nga nila. Sacrificial iyan.

“Hindi birong libutin ang buong Pilipinas for 23 years para mag-discover at mag-document ng mga waterfalls, caves, historical places, Spanish churches, etc.

“Mas matindi ang efforts ko diyan kaysa sa journey ng pag-aaral ko. Sana nga, makarating sa Department of Tourism ang advocacy ko na iyan. Sana tulungan nila ako para sa grand photo exhibition ng 1,001 Philippine Waterfalls To See Before You Die.

“Nakaka-1,055 waterfalls na akong napuntahan all over the Philippines. Sana lang tulungan ako ng DOT kahit free na yung efforts ko, ang mahalaga ay makita ng lahat ng Filipino at ng mga turista ang natatagong kagandahan ng Pilipinas,” dalangin niya.

DANTE CHOOSES TO KEEP HIS PERSONAL LIFE PRIVATE

Sa personal na buhay ni Dante, pinapanatili niya itong pribado.

Makabuluhan niyang pahayag, “Mula naman noon private ang personal life ko. Kasi sabi sa amin noon ng producer, iyan ang huwag na huwag niyo ilalantad sa tao. Bigyan niyo sila ng imahinasyon, pag-isipin niyo sila.

“Tulad din ng pag may nagtatanong kung nagpa-plaster o hindi sa shooting, sagutin lang daw ng ngiti. Para sila ang mag-isip.

“Kung may anak na ba ako? Malay mo, one day may magsabi na anak ko siya.”