Barbie Imperial, Herbert Bautista attend Annabelle Rama birthday

Tila unti-unti nang isinasapubliko ng magkapatid na sina sa Ruffa Gutierrez at Richard Gutierrez ang kani-kanilang mga karelasyon sa kasalukuyan.

Si Ruffa ay iniuugnay kay former Quezon City Mayor and actor Herbert Bautista, habang balitang girlfriend na ni Richard ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial.

Nitong October 31, 2024, nagdiwang ng ika-71 na kaarawan ang ina nina Ruffa at Richard na si Annabelle Rama sa pamamagitan ng isang magarbong birthday party sa isang restaurant sa Taguig City.

BARBIE, HERBERT SPOTTED AT ANNABELLLE’S BIRTHDAY PARTY

Sa mga litratong ipinost ng Nice Print Photography at Vela Studios sa Instagram, makikita ang mga kaganapan sa birthday celebration ni Annabelle.

Kabilang sa mga nakuhanan ng litrato ang mga bisitang dumalo sa okasyon.

Dito ay spotted sina Barbie at Herbert na kasa-kasama nina Richard at Ruffa.

Barbie Imperial, Herbert Bautista attend at Annabelle Rama’s birthday bash

Photo/s: Screengrab @velastudios.co on Instagram

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Barbie Imperial, Herbert Bautista attend at Annabelle Rama’s birthday bash

Photo/s: Nice Print Photo

Bukod sa dalawa, namataan din sina Bianca Manalo, Ara Mina, at Cesar Montano.

Barbie Imperial, Herbert Bautista attend at Annabelle Rama’s birthday bash
Priscilla Meirelles (right) and Annabelle Rama (left)

Photo/s: Nice Print Photo

Barbie Imperial, Herbert Bautista attend at Annabelle Rama’s birthday bash
Cesar Montano, Ara Mina and her husband Dave Almarinez

Photo/s: Nice Print Photo

RUFFA-HERBERT RELATIONSHIP

Noong June 20, inamin ni Ruffa sa kauna-unahang pagkakataon ang espesyal na relasyon nila ni Herbert.

Matagal nang nauugnay ang dalawa sa isa’t isa ngunit wala silang opisyal na pag-amin kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sa katunayan, naisyu pa noon na, diumano, buntis si Ruffa sa anak nila ni Herbert. Pero mariin itong pinabulaanan ng aktres.

Sa YouTube vlog ni Karen Davila, nangyari ang pag-amin ni Ruffa nang ibuking ng dalawa niyang anak na sina Venice at Lorin ang tungkol sa lalaking nagpapasaya ngayon sa kanilang ina.

Nagsimula ito nang tanungin ni Karen sina Lorin, 20 at Venice, 19, kung handa at pumapayag pa ba silang ikasal ang kanilang ina, matapos nitong mahiwalay at ma-annul sa kanilang ama—ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.

Saad ni Lorin: “I don’t want anything specific for her.

“I want her to be happy and whatever that looks like for her, if it’s being alone with eighty cats, and that’s fine…

“And if it’s getting married, if it’s having a long-term partner, whatever that looks like for her, I just want her to be happy.

“So I never really thought too much about. Me and my sister don’t get too overly involved.”

Bagay na sinang-ayunan naman ni Venice. Aniya, tiwala siya sa kanyang ina pagdating sa pagpili ng lalaking mamahalin.

Sabi ni Venice, “I’m sure, me and Lorin probably make side comments at the start, but my mom always, usually, most of the time, has good judgment on picking who’s right for her and who’s wrong.

“Her current partner now, he’s lovely, he’s a nice guy, he suits her really well, and she is ecstatic about him.

“So, of course, I’m very happy for her. And again, if she’s happy, I’m happy.”

Dahil sa rebelasyon ng dalawa niyang anak, hindi na nakaligtas pa si Ruffa sa pag-uusisa ni Karen tungkol sa relasyon nila ni Herbert.

Paliwanag ni Ruffa, hindi sa itinatago niya ang espesyal na ugnayan nila ng dating alkalde ng Quezon City.

Gusto lang daw niya talagang maging pribado kung anuman ang mayroon sila kung kaya’t hindi niya maamin noon at hindi rin siya ma-post sa social media.

Paliwanag niya, “I think now, it’s just better that a quiet personal life leads to more happiness.

“You know, it’s not there to front, ‘Hey, baby, good morning. I love you’ on Instagram. Like, how cringe, di ba? Parang ano, you can flex slightly.”

Hindi man maibida ni Ruffa ang relasyon nila ni Herbert online, nakatitiyak daw siyang seryoso at totoo silang nagmamahalan.

Pahayag niya, “I’ll never go into a relationship that’s not serious. I’m always the serious type.”

Pag-amin ni Ruffa, sa set ng The House Arrest of Us noong 2020 nagsimula silang magkapalagayan ng loob ni Herbert.

Ang The House Arrest of Us ay ang romantic-comedy streaming series na pinagbidahan ng dating magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kabilang sa mga cast sina Ruffa at Herbert, na gumanap bilang mga magulang ng karakter ni Kathryn na si Q.

RICHARD-BARBIE RELATIONSHIP

Kabaligtaran ng relasyon nina Ruffa at Herbert ang umano’y relasyon naman nina Richard at Barbie.

Hanggang ngayon ay hindi pa inaamin nina Richard at Barbie ang totoong estado ng kanilang relasyon.

Pero kumbinsido ang maraming may namamagitan sa dalawa lalo pa’t makailang beses na silang naispatang magkasama, makaraang mahiwalay ni Richard sa estranged wife niyang si Sarah Lahbati.

September 30 nang maispatan sina Richard at Barbie na magkasama sa Rome, Italy.

Noong panahong iyon, nasa Italy si Richard para sa taping ng upcoming series nila ni Daniel Padilla, ang Incognito.

Noong August 1 naman sa selebrasyon ng 26th birthday ni Barbie ay naroon din si Richard kasama ang ina nitong si Annabelle.

Bago ito, namataan din si Barbie sa lamay ng sister-in-law ng aktor na si Alexa Gutierrez.

Si Alexa ay ang yumaong asawa ng nakatatandang kapatid ni Richard na si Elvis Gutierrez.

Sa video na kuha ng isang netizen at in-upload sa TikTok, makikita si Barbie na kasama sa group photo ng social media personality na si Small Laude, nakatatandang kapatid nitong si Alice Eduardo, at iba pa nilang kaibigan na nakiramay sa pamilya Gutierrez.

Bukod sa birthday party ni Barbie at burol ni Alexa, ilang beses na ring namataang magkasama ang rumored couple.

Noong January 6, 2024, nagsimulang ma-link sina Barbie at Richard nang maispatan silang magkasama sa isang gastropub sa Westgate, Alabang, Muntinlupa City.

Ilang customers sa kanilang paligid ang kumuha ng video ng dalawang celebrity.

Kumalat ang nasabing video sa social media hanggang sa makarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hindi gaanong malinaw ang video ngunit mahihinuhang sina Richard at Barbie nga ang magkatabi sa isang mesa, kasama ang ilang kaibigan.

May 26, 2024, muling nasulyapan ng publiko ang pagsasama nina Richard at Barbie sa iisang lugar.

May netizen ang nakakita sa kanila sa South Korea sa may Myeong-dong area, isang shopping destination sa nasabing bansa.

Ngunit tila hindi lang sa bakasyon magkasama sina Richard at Barbie.

May 27, 2024, nahagip naman si Richard sa Instagram Story ni Barbie habang sila ay nasa gym.

Makikita sa larawan ng aktres ang mirror selfie niya, suot ang kanyang gym outfit.

Ngunit ang mas nakaagaw ng atensiyon ng netizens ay ang lalaki sa likuran ni Barbie na nag-eehersisyo rin.