Cebu couple nabbed for using fake and edited proof of payment

Hindi lang sa ginhawa kundi pati na rin hirao magkasama ang isang couple sa Cebu City.

Ito ay matapos matiklo ng mga pulis ang kanilang modus na umorder online ng mga pagkain pero hindi nagbabayad.

Napag-alamang umabot sa PHP280,000 ang total ng kanilang orders sa loob lamang ng isang linggo.

Ang kanilang mga biktima ay food establishments sa Cebu.

Sa ulat ng Frontline Pilipinas nitong October 25, 2024, umorder ang mag-asawa ng pagkain sa isang online food business na PHP10,000 ang total.

Pinadalhan nila ang restaurant ng screenshot ng kanilang payment. Pero nadiskubreng peke at edited pala ang screenshot.

Sa ulat ng GMA Regional News noong October 25, nagsagawa ng entrapment operation ang Mabolo Police Station 4 poata mahuli ang mag-asawang suspek.

COUPLE IN CEBU’S MODUS OPERANDI

Ayon sa mga awtoridad, ang mga suspek ang nasa likod ng food orders online na gumagamit ng pekeng proof of payment.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa loob lamang ng isang linggo, umabot sa PHP280,000 ang in-order nilang pagkain na hindi binayaran.

Napag-alaman ding nire-resell nila ang mga in-order.

suspects with blurred faces
The suspects are now facing estafa cases after being nabbed by Mabolo Police Station 4 in Cebu.

Photo/s: Decemay PadillaDYSS Super Radyo GMA

Isa sa mga naging biktima nila ay si Fe Canion, isang tindera ng desserts.

Naloko pa si Fe dahil pinatuloy pa sa kanyang bahay ang mga suspek nang ilang araw at pinahiram pa ng pera.

Nadiskubreng nag-book din ng room sa isang hotel ang mga suspek at kay Fe pinabayaran ang PHP30,000.

“Ang dahilan saka na raw sila magbabayad once makuha na nila ang kanilang pera na PHP700,000,” ani Fe sa Frontline Pilipinas.

Hindi na raw hangad ni Fe na mabayaran siya, pero ang habol niya ay hustisya.

Hindi rin ito ang unang beses na dinakip ang mga suspek sa parehong modus operandi.

Sa isang video, makikita pa ang mag-asawa na nagmamakaawa sa loob ng police station.

Patung-patong kasong estafa ang isasampang reklamo sa mga suspek.

Hinikayat din ng mga pulis ang iba pang mga biktima na sampahan ng reklamo ang mga suspek.