Kiefer Ravena, Diana Mackey confirmed to be in relationship

Kumpirmadong in-a-relationship na ang professional basketball star na si Kiefer Ravena at beauty queen-actress na Diana Mackey.

Mismong si Diana na ang nagsapubliko nito nang magpost siya sa Instagram ngayong Linggo, October 27, 2024, nang mga kuhang litrato nila ni Kiefer para batiin ito sa kanyang kaarawan.

Kiefer Ravena, Diana Mackey confirmed to be in relationship

Photo/s: Diana Mackey on Instagram

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong October 27, ipinagdiriwang ni Kiefer ang kanyang ika-31 na kaarawan.

DIANA PENS SWEET BIRTHDAY MESSAGE FOR KIEFER

“Best plot twist” ng 2024 kung ituring ni Diana ang pagkakakilala niya sa nobyong si Kiefer.

Aniya (published as is), “Happy birthday @kieferravena15 the best plot twist of my 2024 [laughing emoji] getting to know you has been the craziest yet most exciting adventure.”

Inilarawan din ni Diana si Kiefer bilang boyfriend na mapursigi at maalalahanin, dahilan para mas lalo niya itong hangaan at mahalin.

Saad niya, “You are the most hard working, passionate, caring person I know and you continue to amaze me everyday.

“Couldn’t be prouder of you and all the amazing things you have and will accomplish.”

Kiefer Ravena, Diana Mackey confirmed to be in relationship

Photo/s: Diana Mackey on Instagram

Sa huli, hiling ni Diana ang marami pang blessings kay Kiefer at marami pang taon nilang pagsasama bilang magkasintahan.

Sabi niya, “Cheers to celebrating our first of many birthdays together! Mahal kita [finger heart emoji]

“P.S. can’t wait to watch you play live and be the annoying overly supportive girlfriend sitting on the bench.”

Sa comments section ng post ni Diana ay agad namang nagreply si Kiefer para siya ay pasalamatan.

Komento nito, “Thank you, My love!! I love you!”

Kiefer Ravena, Diana Mackey confirmed to be in relationship

Photo/s: Screengrab @DianaMackey on Instagram

DIANA AND KIEFER SPOTTED TOGETHER IN SIARGAO

Noong July 2024, unang naintriga ang relasyon nina Diana at Kiefer nang maispatan silang magkasamang nagbabakasyon sa Siargao.

Kiefer Ravena, Diana Mackey confirmed to be in relationship

Photo/s: Diana Mackey on Instagram

Sa mga video na kumalat noon sa social media, makikita ang pagiging malapit at sweet sa isa’t isa ng dalawa habang sila ay naglilibot sa Siargao.

KIEFER’s EX-GIRLFRIEND

Samantala, bago tuluyang makumpirma ang espesyal na relasyon ni Kiefer kay Diana ay ilan na ring kilalang personalidad ang na-link at naging karelasyon niya.

Isa na rito ang professional volleyball player na si Alyssa Valdez.

May 2016 naging opisyal na magkarelasyon sina Kiefer at Alyssa hanggang sa magkahiwalay sila noong May 2022.