Mikee Quintos shares her culinary passion in Lutong Bahay

Ang Sparkle artist na si Mikee Quintos ang host ng bagong programa ng GMA Public Affairs na Lutong Bahay sa GTV.

Mikee Quintos
Mikee Quintos

Photo/s: Rose Garcia

Lutong Bahay

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Isa itong talk magazine program kunsaan makakasama ni Mikee ang mga Cooking Influencers na sina Chef Hazel Anonuevo, Chef Ylyt Manaig at Kuya Dudut.

Chef Hazel Anonuevo
Mikee Quintos
Chef Ylyt Manaig
Kuya Dudut
(L-R) Chef Hazel Anonuevo, Mikee Quintos, Chef Ylyt Manaig and Kuya Dudut

Photo/s: Rose Garcia

Sa dating teleserye ni Mikee na The Lost Recipe ay tila apprentice pa lamang siya o assistant sa pagluluto. Posibleng dito na rin nagsimula ang hilig niya?

Mikee Quintos
The Lost Recipe

“Feeling ko, yes. Mako-connect ko siya na na-inspire akong magluto, pero hindi the way you think. Hindi galing sa cooking-cooking.

“Yes, nag-training kami before the show as as chef. Mga tatlo, apat na araw.

“Tinuruan kami ng official workshop for it, pero yung talagang urge ko na matutong magluto, hindi do’n nanggaling.”

MIKEE REVEALS HOW SHE NURTURED HER PASSION FOR COOKING

Ginawa ni Mikee ang The Lost Recipe noon pang kasagsagan ng pandemic. At naka-lockdown pa sila. Doon daw siya nagsimulang magluto.

“Sa lock-in, kasi doon nagsimula ang lock-in, 2022,” pagbabalik-tanaw niya.

“’Di ba, sa lock-in, wala kang kasamang assistant. More than a month kayo doon.

“Doon ko na-feel ang life na independent, na ikaw lahat ang naglalaba ng underwear. Kapag nag-crave ka, ang hirap pa—sarado, ang daming rules, lahat, lock-in.

“So, kung may kini-crave ka, ikaw ang magluluto. So, doon nagsimula lahat iyon.

“May dala kong portable freezer. May dala kong mga karne. Tapos, may dala akong induction.

“Buti nga, hindi nagrereklamo yung hotel na nagluluto ka sa loob ng kuwarto. So, doon ko na-start mag-enjoy sa cooking.

“The independence na dahil sa lock-in, doon nag-start. Pero siyempre, enjoy ko rin yung mga natutunan ko sa The Lost Recipe.”

MIKEE ON REINVENTING HER TALENTS, STEPPING OUT OF HER COMFORT ZONE

Nabanggit namin kay Mikee na puwedeng sabihin na isa siya sa naaalagaan ng GMA Network dahil binibigyan siya ng mga proyekto na hindi lamang sa pag-arte, kundi pati na rin sa hosting.

Dito na ba papunta ang career niya?

“Magiging fully honest ako,” saad niya. “Last show ko was The Write One.

Mikee Quintos
The Write One

“After The Write One, medyo napatagal yung break ko. And during the break, ang dami kong na-realize noong pahinga na iyon. Parang sabi ko, so this is how it feels kapag natetengga ka.

“Paul [Salas, her boyfriend], was a big help. Palagi niyang pinapaalala sa akin na lahat ng artista, nararamdaman iyan. Parang hindi mo kailangang mag-overthink. Pero siyempre, dahil natural yung feelings na yon, di ba? So, ano ang iisipin mo?

“I chose na imbes na malunod ako sa sadness or mapunta ako sa magreklamo, sabi ko, why not, maghanap ako ng bagong skills?

“During that break, nag-request ako sa Sparkle kung puwede ba akong mag-workshop? Hindi pa ako nagkakaroon ng public speaking workshop.

“I tried it out, sobra akong nag-enjoy. Ang dami kong natutunan at ang daming nagbago sa views ko pagdating sa showbiz rin.”

Hindi nga lang daw inakala ni Mikee na yung natutunan niya sa workshop, magagamit daw pala niya agad nang ibigay sa kanya ang Lutong Bahay.

“It’s like… four months, five months after that workshop, biglang dumating itong Lutong Bahay.

“Ang galing talaga ni Lord! As in, grabe talaga si Lord. Doon ko na-realize na if pinili mong mag-trust sa kanya and to stay positive, he’ll really gonna bless you more.

“And to trust the people around you, they’re gonna see, e. Like Ms. Nessa Valdellon, the whole team of NAPA [News and Public Affairs] naman that they appreciate the effort that you give sa trabaho.

“Kasi I’m not the type of artist na manghihingi na, ‘sige na po, bigyan niyo ako ng trabaho.’ Hindi ko na kailangang mag-ganun kasi, naniniwala ako na kapag nakita ng mga boss na nag-e-effort ka, they’re gonna trust you with this, and I really wanna deliver and make them proud at sana, hindi sila magsisi sa desisyon nila.”

MIKEE SUPER GRATEFUL FOR BF PAUL’S UNWAVERING SUPPORT

Si Paul at Mikee ay mag-aapat na taon na rin ang relasyon. At si Paul din ang unang nakapagbalita sa amin na si Mikee ay may bagong show at host na ito. Kitang-kita namin kung gaano ka-proud sa kanya ang boyfriend.

“Short kuwento, alam niyo ba na noong lumabas ang trailer ng Lutong Bahay, umiyak siya,” lahad ni Mikee.

“So yun nga, he knew how I felt, siya ang nag-comfort sa akin noong medyo nag-o-overthink ako sa tengga moment ko. And alam niya ang pakiramdam at feeling sa akin ng Lutong Bahay noong pumasok ito sa life ko.”

MIKEE GETS EMOTIONAL OVER DEPARTED LOLA

Sa punto ng kuwento na ito ni Mikee, hindi na niya napigilan ang maluha at maging emosyonal.

“I lost my lola noong June and siya yung laging nagluluto sa bahay, di ba? Noong wake niya, parang sa family ko, may isa-isa siyang naaayos na mga buhay ng mga kapatid ko na matatagal nang problema.

“Tapos, palagi ko siyang binubulong na, ‘Nay, ako rin ha,’ ‘Nay, ako rin ha.’ Wala akong specifically na hinihingi kay Nanay na ayusin niya sa life ko.

“Pero naramdaman ko noong morning after na sinabi sa akin ang Lutong Bahay na, si Nanay, si Nanay kaya nangyari ito. Feeling ko, pinaramdam niya sa akin na nag-support siya kahit hindi na niya napapanood ‘to. Sobrang feel ko si Nanay. Sobrang na-feel ko yung guidance ng nanay ko.

“Feeling ko, napapansin na niya, e. Kasi bago siya mamatay, tinatanong niya ko, ‘wala ka bang show? Nami-miss na kita sa TV. After niyang mamatay, pumasok ‘to. I’m sure, kung naabutan niya ito, oh my gosh talaga.”

MIKEE REVEALS PAUL’S FAVORITE DISHES

Pero nagkatawanan din sa sagot ni Mikee sa tanong namin kung sa lahat ng mga niluluto niya, ano ang pinaka-paborito ni Paul?

“Kape, sa totoo lang,” natawang sagot niya rin.

“Yun ang palagi niyang nire-request. Iba raw ang kape kapag ako raw ang nagtitimpla.”

Dugtong din ni Mikee, “Pero ang pinaka-favorite niya talaga, tinola. Tinolang manok.”

Hindi pa raw niya nasusubukang ipagluto si Paul ng tinolang manok.

“Ininit ko lang, pero yung ako ang gumawa, hindi pa. Ang naluto ko na for him, steak. Kasi, steak talaga ang toka ko sa bahay. Iyan ang specialty ko po.”

MIKEE-PAUL RELATIONSHIP, GOING STRONG

Sa halos apat na taon na relasyon nila Paul, kumusta nga ba sila?

“Siguro by now masasabi ko po, napa-feel sa akin ni Paul ang hindi ko ine-expect. Akala ko, hindi kami aabot sa ganung connection. By now, na-feel ko na kay Paul yung level of trust that we have, I feel safe with him na.

“It’s hard to reach na kaya mong sabihin kahit na ano sa kanya. Yung kahit na ikakagalit niya, sasabihin mo pa rin. Kasi tiwala kang safe ka sa kanya.”