Bea Nicolas no regrets quitting showbiz

Wala raw pagsisisi ang former child actress na si Bea Nicolas na iniwan niya ang showbiz ng maaga dahil sinunod lang daw niya ang hiling ng kanyang magulang na makatapos ng pag-aaral.

Bea Nicolas
Bea Nicolas

Photo/s: Bea Nicolas on Facebook

Ngayon ay isang professional na si Bea at may sarili ng pamilya. Nangyari raw ito dahil mas naging importante raw ang pangarap ng mga magulang niya para sa kanya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“I am already a registered medical technologist by profession and I am currently working part time as financial advisor. I am married since February 2, 2020 to a vascular surgeon and we now have a 2-year old son,” lahad ni Bea nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Instagram Messager noong October 21.

Bea Nicolas

Photo/s: @bfcnicolas on Instagram

Gumawa ng ilang TV commercials si Bea bago siya nakasama sa 1998 children’s variety program ng RPN-9 na Penpen de Sarapen na hinu-host noon ni Coney Angeles.

Naging Star Magic talent si Bea at nakasama siya sa kiddie sketch comedy show ng ABS-CBN na Ang TV.

Nakasabay ni Bea sa kanyang batch in 2001 ay ang mga dating child stars din na sina Empress Schuck, John Wayne Sace, Alwyn Uytingco, Ronalisa Cheng, JM de Guzman, Louise delos Reyes, Bryan Homecillo, Yuki Kadooka at Shaina Magdayao.

Bea Nicolas
Empress Schuck
Bea (left) with her Star Magic and Ang TV batchmate, Empress Schuck

Photo/s: @bfcnicolas on Instagram

In 2002, lumabas si Bea sa ilang episodes ng educational program na Sine’skwela.

Nakasama rin si Bea sa mga teleserye ng ABS-CBN na Ang Panday (2005), Rounin (2007), at Nagsimula Sa Puso (2009).

Tatlong pelikula ang nagawa ni Bea bilang child actress: Laro Sa Baga (2000) kunsaan gumanap siya bilang batang Ara Mina; Mila (2001) bilang isa sa mga streetchildren na tinuruan magbasa at magsulat ni Maricel Soriano; at Sabel (2004) bilang batang Judy Ann Santos.

BEA QUITS SHOWBIZ TO FOCUS ON STUDIES

Kahit maraming projects, nagdesisyon si Bea na talikuran ang showbiz para mag-focus sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Kuwento ni Bea, “I left showbiz po, I guess mga year 2010 po. I was in 1st year college.

“I graduated po at University of Perpetual Help Biñan City Laguna in 2014.

“Honestly po, mother ko talaga nag-suggest nitong course (medical technology) since that time ay hindi rin talaga siya masyadong kilala na course.

“Kami naman po ng mga kapatid ko, sumusunod lang rin talaga sa parents namin.”

Ang older sister ni Bea ay ang former child star din na si Iwi Nicolas na lumabas sa mga pelikulang Roberta, Wala Na Bang Pag-ibig, Ang TV Movie, Sa Ngalan Ng Pag-ibig, at Kapantay Ay Langit. Ayon kay Bea, married with kids na rin ang kanyang Ate Iwi.

Bea Nicolas
Iwi Nicolas
Bea (left) with older sister Iwi Nicolas from an episode of Hiraya Manawari, ABS-CBN’s children’s TV series which aired 1995-2003.

Photo/s: @bfcnicolas on Instagram

BEA ADMITS MISSING SHOWBIZ LIFE

Paminsan-minsan daw ay nami-miss din ni Bea ang showbiz dahil napapanood pa rin daw niya ang mga ka-batchmates niya na aktibo pa sa paglabas sa TV at pelikula.

“Nakaka-miss din po ang showbiz, especially yung experience, bonding at nabubuong family with your co-actors and the whole production team.

“Lalo ngayon po na I am older na, minsan I wonder, what if kung nasa showbiz industry pa rin ako?

“I would get to manage my own pay-check, or mag-drive na mag-isa going to the location. Ano kaya feeling ng adulting na artist?”

Dahil sa social media, in touch pa rin naman daw si Bea sa mga nakasabayan niya sa showbiz.

“Actually po, kaming Ang TV 2 Kids, intact pa rin naman po kami.

“We actually have a Group Chat sa Facebook Messenger and once in a while, nagkakakumustahan.

“Nag-get together kami once, pero hindi pa ulit nasundan. Usually sa batch kasi namin, puro mga nag-aral talaga kaya hindi na nagtuloy sa showbiz yung iba.”

Thankful lang si Bea dahil nasa alaala pa rin niya ang pakikipagtrabaho niya sa mga sikat na artista tulad nila Maricel Soriano, Angel Aquino, Cherry Pie Picache, Coco Martin, Maja Salvador at sa mga naging direktor niya na sina Joel Lamangan at Chito Rono.

“Sobrang core memory po talaga sa akin ang showbiz.

“I could say that my childhood was extra-special po talaga because I get to experience to be an artist/actor at a young age, kahit regular school po ako before.

“Siguro po, I was still young that time kaya no regrets po when I left showbiz. Kasi ako po, I believe if it were not about our past, wala tayo sa kung ano at meron po tayo ngayon.”

BEA STILL DOING TV AND DIGITAL ADS — AS A MOMMY!

As an adult, gumagawa pa rin ng TV commercials at digital ads si Bea.

“April this year, I returned to doing TV commercials/digital ads. I did 3 commercials again.

“Nakakatawa nga po at puro mom roles na po ako sa TV commercials. Samantalang before, ako yung anak palagi.

“I am so grateful also kasi yung mga caster and agents ko po dati when I was young, sila pa rin yung nasa commercial industry ngayon and nakilala pa rin nila ako.

“They would even say ‘Bea?! As in the one and only Bea Nicolas noon? Nag-iisa ka lang na Bea Nicolas sa industriya!’

“Or ‘the Bea Nicolas na sobrang daming nagawang projects sa amin dati.’ Nakakatuwa at sobrang nakakataba ng puso po.”

Nagugulat din si Bea na may ibang nakakakilala pa sa kanya at naalala ang pagiging child actress niya. Gawa na rin siguro ng streaming sa YouTube kunsaan ang mga dating shows ng ABS-CBN ay libreng napapanood.

“Surprisingly po, kapag nasa public places ako, may nakakakilala pa rin po talaga sa akin.

“And I am extremely humbled and flattered at the same time. Madalas po nila sinasabi ako raw po yun sa Sine’skwela, Panday, Wansapanataym dati.

“Nagugulat nga po ako kasi paano nila alam? E, pakiramdam ko naman po hindi naman talaga rin ako sumikat that time.

“Tamang child artist lang. Lagi po nila sinasabi na hindi raw po kasi nagbago ang mukha ko. Ito pa rin daw po yung bata na napapanuod nila sa TV before.”

BEA WILLING TO LET HER KIDS JOIN SHOWBIZ, ON ONE CONDITION

Kung sakaling gusto rin pasukin ng kanyang anak ang showbiz balang-araw, okey lang daw sa kanya basta maging priority ang school.

“Why not po, if gusto ng anak ko. Support ko naman po. Pero siyempre, studies first pa rin po para sa akin.

“Good education, together with good moral and good guidance, is such a priceless gift we could give to our children. Pamana na hindi mananakaw, sabi nga nila. But of course, to each their own po, ‘ika nga.

BEA CHERISHES LIFE LESSONS

Marami nga raw natutunan si Bea sa showbiz na nai-a-apply niya ngayon bilang isang professional, wife and mother.

“Mga natutunan po, na dala ko pa rin up to now is ang pagiging humble talaga. Keeping your feet on the ground. Walang mataas, walang mababa.

“Matutong makisama, maging totoo, huwag mang-apak ng kapwa. Be professional with the task assigned to you.

“Pouring your heart into it dahil ito po talaga yung sikreto para mas maging effective ka sa work na need mong gawin.

“Always have a room for improvements. Listen to those veterans around you who give you good advices. Be open to constructive criticisms. At hindi puwede ang mahina ang loob. Find your inner circle and your support system.

“But above those, always put God first in everything that you do. Dahil ako po naniniwala po ako that our God is a sovereign God and no matter what our plans are, His plans are always better.

“He knows what’s best for us.”