Kathryn Bernardo, nilinaw sino ang lalake sa bagong TikTok video

– Nausisa ni MJ Felipe sino ang lalake sa TikTok video ni Kathryn Bernardo

– Marami ang naintriga kaninong braso nga ba ang hawak ni Kathryn sa naturang video

– Dahil dito, umabot na sa 2.8 million ang views ng naturang TikTok

– Sa ngayon, abala sina Kathryn at Alden sa promotion ng kanilang pelikulang “Hello Love Again”

Sa “Lie Detector Test” interview ni MJ Felipe ng ABS-CBN kina Kathryn Bernardo at Alden Richards, may nilinaw ang aktres tungkol sa kanyang bagong TikTok video.

Kathryn Bernardo, nilinaw sino ang lalake sa bagong TikTok video
Kathryn Bernardo, nilinaw sino ang lalake sa bagong TikTok video (@bernardokath)
Source: Facebook

Marami kasi ang naintriga kung sino ang may-ari ng braso na hawak ni Kathryn sa nasabing video.

“Si Alden ba ‘yung cute boy with a white jacket and a thick accent?” ang pag-usisa ni MJ kay Kathryn na agad naman nitong sinagot ng “Hindi!”

“Si Kuya Orly ‘yun. Kasi ang tagal ko nang hindi nag-TikTok. Ta’s nag-taping kami ‘nun for All Out Sundays. And then sabi ko, parang I wanna do a TikTok. Pero jacket ni Tisoy ‘yun…” paglilinaw ni Kathryn.

Read also

Anne Curtis, nag-react sa ‘asawa ni Anne Curtis’ video ni Erwan

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!

Kaya naman sinundan pa muli ito ni MJ ng tanong kung bakit hindi nalang si Alden ang isinama nito sa video lalo na at jacket naman pala nito ang ginamit. Natawa na lamang at tila nahiya si Kathryn.

Narito ang kabuuan ng naturang panayam mula sa ABS-CBN News:

Si Kathryn Bernardo ay isa sa mga sikat na aktres sa Pilipinas na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng “It Might Be You”. Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang kanilang tambalan bilang “KathNiel.”

Samantala, minsan nang nabanggit ni Ogie Diaz ang nalaman umano niya sa kanyang source na tuloy na ang part 2 ng Hello Love Goodbye na ang lokasyon naman ay sa Canada. Kalaunan ay kinumpirma na ito at may title na “Hello Love Again.” Katunayan, marami na ang tila hindi na makapaghintay at excited na sa showing ng naturang pelikula na ipalalabas sa mga sinehan sa Nobyembre 13.

Read also

Judy Ann Santos, hindi inasahan ang ginawa ng anak na si Luna: “Akala ko safe ako”

Matatandaang ang Hello Love Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ay minsan nang naging highest grossing film sa bansa bago pa man ito masungkit ng ‘Rewind’ nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Naging pambato sa Metro Manila Film Festival noong 2023.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!