Pinoy Showbiz:

Neri Miranda positibo ang natanggap na comment mula sa mga followers dahil sa mismong siya ang nagtanim ng pechay.

“Tara, magtanim ulit tayo nang marelax relax tayo.

Sa garden kase sobrang tahimik, puro huni ng ibon lang maririnig mo, minsan kahol ng mga aso… kahit naka pajama ka lang, oks lang.. walang magja-judge sayong mga halaman o insekto 😅

Madalas nga mas gusto ko nasa garden lang at nagtatanim kaysa lumabas.. yung asawa ko lang talaga ang nagpu-push na lumabas naman ako paminsan minsan.. sabi ko nasa labas naman ako ah, nasa garden palagi o sa laundry area kapag naglalaba.. sabi nya, yung labas na gala naman para maiba yung makita ko. Sabi ko sige, pagdrive nya ako.. nagbihis ako, tuwa naman naman sya tapos tinanong nya kung saan kami puoubta.. sabi ko sa grocery 😅 nyeek daw. Hahaha! Lumabas naman ako at nagpostura..

Para sa akin, isang malaking park ang grocery stores at palengke, happy ako dun!

Pero after naman namjn mag grocery, niyaya ko naman siyang kumain sa resto… natuloy din ang date.

So ayan ang buhay buhay ko ngayon.. feeling farmer at nagpapaka best mom at wife sa bahay na akala mo may medalyang makukuha 😁 pero dito ako masaya. Walang ingay (except kaoag magkakasama na ang mga anak namin at nagtatakbuhan tapos samahan pa ng tatay na mas maingay 😅)

Ang dami ko nang sinabi, nagtanim lang naman ako ng kangkong at pechay 🤣”

IG nerimiranda