Balitang Trending:

MANILA LGU, KINILALA NG DSWD SA KANILANG EPEKTIBONG PAMAMAHAGI NG PENSION NG SENIORS

Kinilala ng Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD-NCR) ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila, sa pangunguna nina Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto, sa matagumpay na pagpapatupad ng Programang Social Pension for Indigent Senior Citizens.

Nakamit ng lungsod ang 98.27% na accomplishment rate para sa unang semester ng 2024.

Nabibigyan ng mataas na rating ang mga lokal na pamahalaan na may epektibong sistema sa pag-abot ng mga target na benepisyaryo ng programa.

Pinatunayan ng pagkilalang ito ang masipag at masigasig na pagtutulungan ng mga Barangay Officials at mga tanggapan ng lokal na pamahalaan sa maayos na pamamahagi ng pension sa mga lolo at lolang ManileƱo.