Celebrity Kids:

‘ALAM KO KUNG GAANO KA KALAPIT SA PANGINOON…KAHIT KAILAN HINDI MO NAISIPAN GUMANTI’

Iyan ang makahulugang mensahe ni AJ Raval para sa kanyang boyfriend na si Aljur Abrenica.

Sa mga komento niya sa recent IG post ng aktor, sinabi niyang batid niya ang pinagdadaanan nito at naiintindihan niya raw ito. Tiniyak din niya kay Aljur na mahal siya ng Panginoon at hindi siya nito pababayaan.

“Ipagdasal na lang natin ang mga taong mapang-api at mapanghusga… Mahal ka ng Panginoon at kahit kailan hindi ka Niya pababayaan,” mensahe ni AJ.

“Alam ko kung gaano ka kalapit sa Panginoon at saksi ako doon. Lagi mong pinagpapaliban sa Panginoon kaya kahit kailan hindi mo naisipian gumanti at magsabi ng totoo,” dagdag pa niya.

📷: ajravsss
#AJRaval #AljurAbrenica