Ginisa ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr. si Col. Marvin Marcos k

Ginisa ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr. si Col. Marvin Marcos kung bakit wala diumano itong ginawang aksiyon matapos pagbabarilin ng kanyang mga tauhan si dating Albuera, Leyte mayor Roland Espinos Sr. at katiwala nitong si Raul Yap sa loob ng kanilang selda sa Baybay Municipal Jail noong Nobyembre 2016.

Bagamat armado search warrant ang mga tauhan ni Marcos, na noo’y hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Eastern Visayas,binigyang diin ni Abante na hindi dapat nila nilabag ang karapatang pantao ng dalawang detainee na walang kalaban-laban nang pagpapatayin ng mga pulis.

Napagalaman din sa imbestigasyon ng Quad Comm na personal na nasa Baybay jail si Marcos nang isilbi ang search warrant kay Espinosa.

#PilipinasToday
#QuadComm
#19thCongress
#CongressPH
#MarvinMarcos
#BennyAbante
#WannaFactPH