Pilipinas today:

Ni-raid ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang gusali sa Makati City na sinasabing sentro ng mga dayuhan na sangkot sa iba’t ibang scamming activities.

Nabisto ng mga awtoridad ang mahigit 20 workstation sa limang palapag na gusali. Mayroon ding mga silid na may karatulang “Couple Room” para sa mga dayuhan at kanilang mga kasosyo. Ang bawat silid ay may sariling banyo at kama.

Matatagpuan ang commissary sa rooftop at ibinababa lamang ang mga pagkain sa mga silid. Ito’y upang hindi na kailangan pang lumabas ng gusali ang mga umano’y scammers, ayon sa mga awtoridad.

Maliban sa mga computer, nakarekober din ang mga awtoridad ng mga SIM card, cellphone, at mga notebook na naglalaman ng mga script para sa iba’t ibang panloloko.

Sinabi ng NBI na isasailalim sa forensic examination ang mga computer upang matukoy kung gaano na katagal silang nag-ooperate sa lugar.

Naaresto rin ang ilang Pilipino. Gayunpaman, wala umano silang alam sa mga ilegal na aktibidad na ginagawa sa gusali.

#PilipinasToday
#MakatiCity
#NBI
#Scamhub
#TheBigNews