Vice Ganda reveals receiving a pet dog from Angel Locsin

Ibinahagi ni Vice Ganda na mayroon siyang bagong alagang aso na bigay ni Angel Locsin at mister nitong si Neil Arce.

Ibinunyag ni Vice ang tungkol sa bago niyang fur baby sa kanyang YouTube vlog nitong October 9, 2024.

Sa video, ipinakita ni Vice ang collection niya ng Labubu, pangalan ng sumisikat ngayong stuff toy collection.

Sa isang punto ng interview, habang tinitingnan ni Vice ang hawak niyang doll, bigla niyang naalala ang bago niyang fur baby.

Kakulay raw kasi ng stuff toy ang balahibo ng kanyang new dog.

Sabi ni Vice, “Meron akong bagong dog, giant poodle siya.

“Regalo siya, bigay siya sa akin nina Neil at ni Angel Locsin.”

Hindi ito ang unang beses na binigyan ng aso ni Angel si Vice.

Noon lamang Agosto, ipinost ng It’s Showtime main host ang pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na alagang aso, si Chip In.

Ang aso ay six years old. Ito ang pinakaunang fur baby ni Vice kaya napamahal nang husto sa kanya ang alaga.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Si Chip In ay birthday gift kay Vice ng kanyang mga kaibigan, at isa na rito si Angel.

VICE GANDA’S NEW PET DOG

Sunod ay inilahad ni Vice kung bakit muli siyang binigyan ng alagang aso ni Angel at asawa nito.

“Kasi when Chip In passed on, sobra akong lungkot,” kuwento ni Vice.

“Si Chip In ay regalo siya sa akin ng mga kaibigan ko nung birthday ko. Isa na doon si Angel Locsin.

“Kaya nung nalaman niyang wala na si Chip In, at alam niyang malungkot na malungkot ako… kapapanganak pa lang nung aso niya, so yung isa binigay niya sa akin. Wala pang name…

Kasunod nito ay nilapitan ni Vice ang alagang giant poodle na iniregalo sa kanya ng aktres.

Vice Ganda and dog
Vice Ganda showing her new pet dog that was given by Angel Locsin.

Photo/s: Vice Ganda on YouTube

ANGEL STILL MISSING IN ACTION

Samantala, nananatiling “missing in action” (MIA) sa showbiz si Angel.

Hindi lang sa showbiz MIA si Angel, kundi pati na rin sa social media.

Ang huling post pa niya sa Instagram ay dalawang taon na ang nakalilipas.

Wala ring paramdam si Angel kahit sa mga post ng asawang si Neil na mas aktibo sa Instagram.

Ang huling update naman kay Angel ay nagmula pa sa kanyang matalik na kaibigan na si Dimples Romana.

Biro nga ni Dimples ay siya ang “representative” ni Angel dahil sa tuwing may event ay siya ang laging tinatanong ukol kay Angel.

Noong Setyembre, sa isang press on ay natanong muli si Dimples ukol kay Angel.

Dito ay tiniyak ni Dimples na nasa mabuting kalagayan ang kaibigan aktres at mayroon silang komunikasyon.

Sinabi pa ni Dimples na wala siyang ideya kung kailan ang balak ni Angel na magparamdam uli at bumalik sa trabaho.