Bato, nagbanta na susuntukin sa mukha si Espinosa

Inihayag ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na susuntukin niya sa mukha si Kerwin Espinosa kung makikita niya ang self-confessed drug lord at tinawag niya itong sinungaling kasunog ng mga alegasyon ni Espinosa sa quad committee ng Kamara kahapon.

Sa testimonya ni Espinosa sa quad committee, sinabi niya na inutusan siya ni dela Rosa na noon ay dating Philippine National Police chief na idawit si dating Senator Leila de Lima at Peter Lim sa illegal drug trade.

Sinabi ni dela Rosa na minsan lang sila nag-usap ni Espinosa nang tanungin niya kung may natatanggap na pera si Police Col. Jovie Espenido mula sa confessed drug lord.

Binigyang-diin ni dela Rosa na wala naman siyang mapapala kung totoong ginawa niya ang alegasyon ni Espinosa.

Sinabi pa ni dela Rosa na hindi credible witness si Espinosa, sa kabila na nabasura ang kanyang mga kaso.

Iginiit niya na nananatili ang katotohanan na si Espinosa ay dating drug lord.