Pinoy history:

Maliit pa lamang ay maaga na naulila ang isang bata, pero napunan ng pagkawala ng kanyang ama dahil sa pagmamahal ng lola at butihing ina, sabi ng bata na “Mommy, promise ko po sa’yo titira po tayo sa palasyo, kasama si Lola at ako po ang mag-aalaga sa inyong dalawa paglaki ko.”

Nang lumalaki ang bata, nagkaproblemang-pinansyal ang pamilya, dahilan para huminto muna ito sa pag-aaral upang asikasuhin ang naghihinang Lola nito, inaruga ng mag-ina ang matanda at isa sa dumurog sa puso ng bata ang pagkawala muli ng isa sa mahal sa buhay, sabi ng kanyang ina, “‘Wag ka na umiyak anak, love ka ni Lola mo, nasa heaven na s’ya!” Sabay tanong ng bata “Saan po ba ang Heaven?, pwedi po ba natin s’ya minsang dalawin doon?” At sabay yakap sa anak.

Lumaking mabait, masunurin at masipag na bata ito, nagtinda ito ng kung anu-ano sa school para may pandagdag sa baon at higit sa lahat tulong na rin sa kanyang ina, muling sinubok ang binata dahil nagkaroon ng cyst o bukol ang kanyang ina sa tagiliran, pinasok ng binata ang modeling at pag-o-audition sa mga commercial kahit extra lamang, narinig pa ng ina ang dasal ng kanyang anak na nagpaluha sa kanya sa gabing ‘yon, “Lord sana po gumaling na po si Mommy, kahit ako na lang po ang kunin ninyo ‘wag lang po s’ya, mahal na mahal ko po si Mommy.”

Habang may sakit ang ina, nagtayo sila ng negosyo at tinawag itong Jepoy’s Pares House, kahit pa nagmahal ang bilihin hindi sila nagtataas ng presyo ng kanilang Pares para maabot ng mga bumibili ang presyo, isang gabi naabutan nito ang kanyang ina, na tila malungkot, sinabi nitong “Anak lugi na naman tayo, kakaunti lang kasi kumakain ng Pares natin, sana anak dumami ang customer natin noh!.” Sagot na anak, “Pagdadasal ko ‘yan Mommy, lalakas po yan” sabay yakap.

At sinabay n’ya ang dasal na may gawa, nag-audition ito sa isang realty show, ni hindi n’ya nabanggit sa mga kasamahan ang pinagdadaanan n’ya, dahil naniniwala s’ya na lahat ng tao ay may dinadanas na pagsubok, at hindi laging tama ang gawing dahilan ang kahirapan para magwagi ka sa isang laban.

Nito na lamang huli, nabanggit nito ang kanilang kalagayan, na isang malaking aral ang natutunan ng mga netizen, sadyang ang unang taong magtuturo talaga sa’yo ng desiplina at pagmamahal ay ang iyong pamilya, sila ang unang dapat na nagpaparamdam ng tunay na kahulugan ng pagmamahal at ang anak ay susunod, magmamahal rin at magiging magalang, magpapasensya kahit wala kang kapatid na masasandalan, dahil minsan nag-iisang anak ka lang.

Dahil wala namang sinusweldo sa pagiging housemate ng isang show, nag-alala ang binata at nagsabing aalis na lamang s’ya sa kumpetisyon nang akalain n’yang nalulugi na ang kanilang Paresan, napakita ng binatang ito ang tunay na pagmamahal nito sa ina, pagmamahal ng isang anak na nagbigay-buhay sa kanya, na sa huli i-gi-give up n’ya ang sariling pangarap para matulungan lang ang ina.

Sabi ng Ina “Kahit buhay ko, iaalay ko sa aking anak”.

Nagkita sila sa nasabing show at sinabing lumakas ng bahagya ang Paresan at lumiliit na ang kanyang bukol, isa muling pagyakap sa mga huling sandali ng pagbisita ng ina sa programa at walang humpay na pagsabi ng “I love you Mommy” na nagpaiyak sa publiko.