Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Quad Committee ngayon Biyernes, Oktubre 11,

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Quad Committee ngayon Biyernes, Oktubre 11, iisa ang tono ni Roland ‘Kerwin’ Espinosa nang ilang ulit nitong sabihin na naniniwala siya na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos sa mga pulis na patayin ang kanyang ama na si Roland Espinosa Sr., dating alkalde ng Albuera, Leyte, noong Nobyembre 2016.

“Paano mo nasabi ‘yan, sa palagay mo?” ang tanong ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr. kay Espinosa.

“Kasi itong mga nangyari, na mga EJK (extra judicial killing), kampante ang mga kapulisan maliban lang sa mga matino na pulis na nadadamay sa mga kabalastugan ng mga pulis na hindi nahihiya,” ani Espinosa.

#PilipinasToday
#Duterte
#Digong
#RodrigoDuterte
#KerwinEspinosa
#WannaFactPH