AJ Raval cryptic posts after Kylie Padilla cryptic post

Si AJ Raval ba ang gumanti para sa boyfriend na si Aljur Abrenica matapos ang pinaniniwalaang patama ni Kylie Padilla sa aktor.

Si Aljur ang estranged husband ni Kylie.

Sa kanyang Instagram Story kagabi, October 8, 2024, nagbahagi si AJ ng kasabihan mula kay Luthando Xoyana.

Ang account ni Luthando sa Instagram ay nagsasabing sila ay “the #1 Source For All Things Motivational & Christian News!”

Mababasa rito ang quote na ito: “no revenge, I’ll just pray for you and wish the best for you because you’re God’s child too. luthando_xoyana”

AJ Raval cryptic posts

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sinundan ito ni AJ ng mga salita mula sa Proverbs 16:9: “If it’s in God’s will, it will happen & nothing will stop it. If it’s not, God has a better plan. Have peace knowing this.”

Naka-tag dito si Aljur.

AJ Raval cryptic posts

Walang reaksiyon si Aljur sa post na ito ng nobya.

AJ RAVAL CRYPTIC POSTS ANSWER TO KYLIE PADILLA’S POST?

Maraming nagkokomentong netizens na ang mga post na ito ni AJ ay sagot niya sa naunang cryptic post ni Kylie.

Nitong nakaraang October 7, 2024, may cryptic post si Kylie tungkol sa pagiging “great leader.”

Kasunod ito ng paghahain ni Aljur ng kandidatura sa pagkakonsehal sa Angeles City, Pampanga.

Ayon sa post ni Kylie, ang magaling na lider ay isang taong kayang pamunuan ang sarili nitong pamilya.

Ang pamilya raw ang maituturing na una nitong komunidad.

Gayundin ang maayos nitong pagpapalaki ng kanyang mga anak at kailanman ay hindi naging taksil sa kanyang asawa.

Higit sa lahat, malapit ang puso nito sa Panginoon.

Kaya ang pagseserbisyo raw ay isang pag-aalay ng sarili sa kapwa, at hindi ang kabaligtaran.

Nakasaad sa post ni Kylie: “A good indicator of a great leader is a man who can lead his family. That is his first unit, his first community.

“A man who raises his kids with good values, integrity and humility. A man loyal to his wife and remains true despite obstacles.

“A man who has a heart close to God. Service is about what you can do for others, not what they can do for you.”

July 2021 nang mabunyag na naghiwalay na sina Aljur at Kylie.

Noong February 14, 2023, tuluyan nang isinapubliko nina Aljur at AJ ang kanilang relasyon.